CHAPTER 5:

3.9K 94 2
                                    

Kahit masakit ang katawan ni Aj pinilit niyang pumunta kay Randy upang tanungin kung anung tip ang maaari nitong ipayo aa kanya at anu ang biglaan na sinasabi nito.

Nakabukaka na tila bagong tuli si Aj na bumababa sa hagdanan, tamang tama nanduon din sila Algun at Jocelyn kasama ang anak ng mga ito, dumalaw ang mga ito duon dahil nasasabik na daw ang papa Mariano ng isa sa kanilang apo.

"Bro anung nangyari sayo bakit ganyan ka kung makalakad?" tanung ni Jocelyn ng makita ang ayus ng kapatid.

"Ouch! sakit ng buong katawan ko, sinubukan kong mag tanim ng palay ang hirap pala, ouch ganito pala kahirap I cant imagine daig ko pa ang bagong tuli sis!" bulalas ni Aj.

"Eh sinu ba kasi nag sabi sayo na mag tanim ka?"

"Ah wala naman oh sige, bayaw at sis mauna na ako at may importante akong itatanung kay pinsang Randy,"

" anu naman iyung itatanung mo?"

"Basta akin na lang iyun" sagot ni Aj.

Nag katinginan ang mag asawang Algun at Jocelyn saka nag kibit balikat na lang.

Pag kasakay ni Aj ng kotse nito hindi na napigilan ni Algun na mapahagalpak ng tawa.

------

"Arbie hindi kaba pupuntahan ni senyorito Aj dito?" tanung ng isang trabahante

"Naku hindi po! ewan ko lang po kung makabangon pa yun!" ani Arbie na iniimagine ang itsura ngayon ni Aj, 'di nya maiwasang kiligin at makaramdam ng kaligayahan.

Ngunit napalis ang kanyang ngiti ng maalala ang kanyang katayuan sa buhay. Napabuntong hininga na lamang siya.

"Hayssst! sayang pag ibi na sana? suntok naman sa buwan!" ani Arbie na ikinalingon ng katabing nag tatanim.

------

Lumaki ang mata ni Aj sa sinabi ng pinsan.

"Pinsan naman baka magalit yun?" alanganing sagot ni Aj sa sinabi ni Randy.

"Kung mahal ka rin nun 'di papalag yun, pero pag hindi ka niya mahal kulong ang bagsak mo! pero pag pinag buti mo hahanaphanapin ka nun maniwala ka!" susog ni Randy kay Aj.

"Eh..."

"Wala ng eh, puntahan muna sa taniman at sunduin dahil oras na ng uwian oh!" ani Randy.

"Ang sakit ng katawan ko eh, pero kaya ko naman siya sunduin pero yung sinabi mo baka saka na pag kaya ko na tignan mo naman mag lakad nga ng diretso di ko pa magawa!" ani Aj na napapailing.

"Oo na puntahan mo na yong my life mo, pag malakas kana saka mo gawin ng walang palag! gamitin mo na yang pic up!" ani Randy at sinabayab pa ng tawa dahil na expirience na niya ang naranasan ni Aj yun nga lang siya sanay na, hindi tulad ng pinsan na ngayon lang yata nakaranas na naputikan.

Oras na ng uwian ng mga manananim ng may makarating si Aj upang sunduin si Arbie.

"Anung ginagawa mo ulit dito? mag tatanim ka tapos na kami, kung gusto mo bukas na lang ulit ng umaga!" ngising sabi ni Arbie.
!Hindi susunduin lang po kita para ihatid!" sagot naman ni Aj.
"Ha? bakit?"

"Tinatanung pa ba yun? asan mga gamit mo uuwi na tayo!" ani Aj.
Walang imik si Arbie na sumunod bitbit ang mga gamit.

"Bhie pwede ba kitang isama sa party ng kaibigan ko?"
"Ah- eh, kelan ba?

"Sa makalawa please?" ani Aj na nag susumamo.

"Ah okay sige!" sagot ni Arbie ngunit nangangamba siya lalo na at wala siyang isusuot.

Inihinto ni Aj ang pick up at tuwang tuwang niyakap si Arbie.

"Salamat Bhie!" ani Aj at hindi nakontrol ang sarili at bigla niyang nahikan sa labi si Arbie.

Para namang na freez si Arbie na di makakilos at nanlalaki ang mga mata.

BE MY LOVE, ARBIE By: Lorgee Rhy (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon