Batid kong nakakapagod akong mahalin
May mga araw na nagsasawa ka na rin.Ilang beses mo na rin ninais bumitiw
Ramdam ko ang kasawian mo, Giliw.Batid kong mahirap ako basahin
At may mga pagkukulang rin.Hindi ko maibigay mga hinihingi mo
Hindi ko masabi ang lahat sa'yo.Minsan, napapaisip na rin ako
Tama pa bang piliin mo ako?Saksi ang buwan at mga tala
Kung pa'no kita pinaluha, Sinta.May mga gabing nais kitang yakapin
Upang mga duda mo sa'kin ay burahin.Ngunit balang araw mauunawaan mo rin
Sa ngayon, hayaan mo ako na ika'y mahalin.
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
PoesiaContinuation.... "If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will...