Paligiran man ako ng
sanlibong mga tala,
Sa isang buwan na
tulad mo lang titingala.Sa iba'y hindi ko
magagawang maakit,
'pagkat ikaw lang ang
sa akin siyang marikit.Ang iyong ganda'y
kawangis ng kalangitan
Samahan pa ng ngiti mong
abot sa kalawakan.Sinta, dahil sa'yo,
natuto akong umibig
At isugal ang puso sa
ngalan ng pag-ibig.Mahal kita, higit pa
sa ibang Paraluman.
Mamahalin lalo ngayon
at magpakailanman.
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
PoezjaContinuation.... "If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will...