Ika'y nanlalamig na.
Tila sumasabay ka
yata sa panahon
ngayon, Sinta.Nasa'n na ang pag-ibig?
Tila hindi na kasiguraduhan
ang pumupuno sa isipan
kundi pagkaligalig.Tuluyan na nga bang naglaho?
Tila hindi ko na madama
na may lugar pa ako
riyan sa iyong puso.Bibilang na ba akong tatlo, Sinta?
Tila ang kirot sa iyong
mga mata hudyat na
kakalimutan na kita.Oras na ba para aking tanggapin?
Tila mga hakbang mo papalayo,
isang sampal na ikaw nga'y
hindi talaga para sa'kin.Mahal kita,
ngunit sobra
na ang pighati.Mahal kita
at ito na ang
huling ibibigkas
ng aking labi.
BINABASA MO ANG
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
PoesiaContinuation.... "If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will...