Kabanata XVIII

55 2 0
                                    


[Kabanata 18]

HUMAMPAS ang malahimuyak na hangin sa aking mukha nang madaanan ng sinasakyan naming kalesa ang malawak na hardin na hindi na napabilang sa San Diego.

Tanaw ko pa ang mga nagliliparang ibon sa himpapawid at kasabay niyon ay ang mga huni nitong tila'y idinuduyan ako sa ulap.

Tahimik na ang lugar na aming kinabibilangan at sa ilang pulong nasasakupan simula noong nanirahan dito si Heneral Shun at ang kaniyang kaliwang kamay na si Sho Horikoshi.

"Saan nga ba tayo tutungo, señor?"

Lumingon siya sa akin saglit at muli namang tinapunan ng tingin ang paligid na aming nadadaanan. Nagpipigil itong ngumiti kaya labis akong nagtataka.

"Tayo ay mamamasyal," nakangiti niyang saad at napahawak pa sa kaniyang ibabang labi. "Subalit maaari mo bang bawasan kahit kaunti ang iyong kagandahang taglay sapagkat hindi ako dinadaluyan ng katumbakan?" dagdag niyang saad.

Dinaluhan ako bigla ng pamumula sa aking mukha. Hindi ko maipapaliwanag kung ano ang aking magiging reaksiyon sa kaniyang naging tugon.

Kinikilig ba ako?

"Masyadong matabil ang iyong dila," namumula kong saad. "Tila ako ay may napansing kakaiba sa iyo, señor."

Tumaas ang kaniyang kilay, "Kakaiba?" tanong niya, nagugulumihan sa aking sinambit.

"Hindi ba't dati ay putol-putol ka kung magsalita?"

Sa naging tanong ko ay tuluyan na siyang napangiti, napakamot pa ito sa kaniyang batok. Ilang minuto pa'y may kinuha ito sa kaniyang bulsa, isang maliit na kuwaderno. Isang kuwaderno na palagi kong nasisilayan sa tuwing kami ay magkasama simula pa noong nandoon kami sa lumang gusali.

"Pinag-aaralan ko pa nang husto ang inyong lengguwahe. Nabanggit ni Sho dati na tila'y nagugulumihan ka kung bakit bihasa siyang magsalita subalit ako ay hindi, kaya't...mas pinag-iigihan ko pa," nakangiti niyang saad.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Sinabi iyon ni Sho? Lahat ata na nasabi ko sa lalaking iyon ay ibinunyag na niya marahil sa kaniyang heneral.

"Anak ng pating ka talaga, Sho," bulong ko pa sa hangin.

Nagpaalam na lang ako kay heneral Shun na hiramin ang kaniyang maliit na kuwaderno sapagkat ibig kong masilayan kung ano ang nakalimbag na mensahe sa loob.

Sa bawat paglipat ko ng pahina ay agad kong napagtanto kung gaano katalas ang kaniyang utak, sa kabila ng napakahirap na salita ay nakuha niya kaagad. Puno ng markang tinta ang ibang bahagi ng pahina, tila ba'y may sinasaulo siya sa bawat parte ng papel.

Tumigil bigla ang aking mundo nang mahagilap ng aking mga mata ang ilang litrato na nakapaskil sa panghuling pahina. Isang ginang, matandang lalaki at dalagang nakasuot pa ng baro't saya na sa tingin ko'y kasing edad ko lamang ito.

"Makikilala mo ang taong 'yan pagdating natin sa lugar na ating patutunguhan," pagsingit ni heneral Shun kaya nagising ang aking diwa, pinatakan pa nito ng halik ang aking noo bago ginulo nang bahagya ang aking buhok.

Lumipas ang ilang minuto nang mapansin kong nasa masukal na kagubatan ang daan na aming tinatahak, ayuno akong sumilip sa labas ng durungawan nang mapagtanto kong tila'y isang hacienda ang natanaw ko sa hindi kalayuan.

Maraming tao ang nakakumpol malapit sa palayan, ang ilan ay nag-aararo, ilang kababaihan naman ay may dalang mga takuyan at kasalukuyang namimitas ng mga prutas gaya ng mangga at pakwan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AishitemasuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon