Rule#2 Wag kang Assumera

21 6 0
                                    


As a fan hindi naman natin maiiwasan ang maging assumera pag dating sa idol natin, delulu kung tawagin nila or delusional.

Sino ba naman kasi ang hindi magiging delulu eh kung lagi ka nalang napapansin ng idol mo hindi ba?.

Masakit maging delulu mars, kaya hanggang matino pa ang ating braincells wag nating hayaang makain tayo ng mga pantasya natin.

Nagawa ko na yan noon, pero diko sure kung hanggang ngayon. Kaya alam kong masakit ang maging isang delulu kasi parang panaginip lang yan eh, akala natin totoo na pero pag gising mo sobrang disappointment ang nararamdaman mo kasi panaginip lang.

Ganun din ang pakiramdam pag nagising ka sa mga delusional days mo, well mas masakit kasi akala mo may pag asa kayo, the feeling is mutual na kayo. Yung tipong naniniwala ka na sa mga signs sa mga braha. Akala mo totoo yung mga nasa psychology facts na kapag napaginipan mo ang isang tao iniisip ka rin nya.

Jusqo, ang sakit tanggapin na kahit kailan hindi yan mangyayari, pero kahit masakit kailangan tanggapin natin.

At ito pa, hindi porket napapansin ka na ng idol mo soon to be husband mo na sya at nag sesearch kana ng bagay na kanta sa kasal nyo at kung ano ang magiging motif sa kasal nyo, wag ganun, fan ka nga eh so normal yun. Fan service kumbaga.

Wag mong bigyan ng malisya lahat ng magandang bagay na ginagawa nya sayo, syempre fan ka nya eh, although importante ka para sakanya pero as a fan lang yun, kaya wag kana umasa na may chance kasi wala, Oo girl wala.

Don't act like we own them, kahit sino naman kasi hindi magugustuhan kapag may umaangkin sakanila diba?.

Sandali, ang pangit ng term, basta yun na yun!.

Stop being delulu
Stop being delusional.

Fan RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon