Yan ang ating last rule as a fan girl.Bakit nga ba hindi pwedeng mahalin ng isang fan ang idol nila?. Kasi masakit, Oo sobra as in yung tipong mas masakit sa pa utang ng mama mo sayo, mas masakit pa sa panloloko sayo ng jowa mo.
Kasi para kang nag mahal ng isang fictional character, you fall in love with someone you can't never EVER have.
Kaya nga hanggang maaga pa, pigilan mo yang feelings mo para sakanya kasi hindi ka nya masusuklian, ikaw din, hindi ka pa nga nag kaka jowa na trauma kana agad sa love.
Maniwala kayo saakin, masakit, sobra dadating sa point na maiinis ka sa sarili mo kasi bakit mo hinayaan ang sarili mo na mahulog sa taong hindi naman mapapasayo.
Ito ang rason kaya gumawa ako ng mga rules as a fan, para hindi tayo umabot sa stage na mamahalin natin sila.
Sabi nga nila diba, kapag hindi ka gusto tanggapin mo nalang, acceptance is the key nga daw.
Pero hindi ganun kadali tanggapin lahat sis. Mapapatanong ka din kay lord eh kung bakit hindi sya, or sana sya nalang kasi kung hindi sya, sino?. May hihigit paba dito?, ganon.
Wala namang masama na mahalin natin sila, pero wag naman yung sobra, lahat ng sobra nakakasama. Pero ang masama lang yung attitude natin na kailangan kapag mahal natin mahal din tayo.
Be matured enough, kailangan malaman natin na hindi lahat ng gusto natin na susunod, hindi lahat ng plano natin natutupad. Learn to accept the fact na may mga pangarap talaga tayo na hindi natutupad, na ang buhay natin sobrang layo sa mga fairytales na napapanood natin, walang happily ever after in real life, wala din tayo sa movie na may chance na magkatuluyan ang fan at idol, nasa real life tayo kaya mag paka praktikal tayo ha, lol.
Pero kung nainlove kana, pwede kang umamin sakanila pero wag kang umasa na susuklian nila yun pabalik, umamin ka to let him know kung ano ang nararamdaman mo sakanila yun lang.
Wag na wag ka ding mag hahabol. Isipin nyo nalang ikaw at yung idol mo ay parang isang magnet, habang pinaglalapit mo mas lalong lumalayo. Or ganito nalang isipin mo nag lalaro kayo ng idol nyo ng habulan, ikaw ang taya so hahabulin mo sya diba?, so habang hinahabol mo sya, sya naman yung tumatakbo palayo sayo.
Kaya move on ka nalang, madaling salita pero sobrang hirap gawin, alam ko na hindi madaling mag let go at mag move on pero sa ngayon yan ang mas nakakabuting gawin kesa mag habol.
![](https://img.wattpad.com/cover/329913543-288-k32767.jpg)
BINABASA MO ANG
Fan Rules
Fiksi RemajaIsang libro na nag lalaman kung ano ano ang mga rules bilang isang fan, una na sa listahan ang priority pa din ang pag aaral wag lang Puro idol ang nasa isip. Pangalawa wag mong kalimutan ang sarili mo,. Pangatlo wag mo silang mahalin na higit pa sa...