CHAPTER TWO

11 1 5
                                    

Xia's POV 

"Siguraduhin mong hindi ako magsisisi na kinampihan kita dito Xia ha. Ayokong napapahiya ako." Sabi sa akin ni kuya.

"Oo na." Sabi ko pabalik. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa kotse. Tapos na kasi kami maglipat at aalis na sila. Kailangan nila umalis bago sumapit ang dilim kasi mahirap ang daan pababa ng bundok. Kailangan na rin nila umalis kasi may pasok pa si kuya tsaka si papa, hindi sila makakapagstay. 

Pagkatapos ni kuya ay sumunod si mama na lumapit sa akin. "Xia anak, tawagan mo kami kapag may kailangan ka ha? Kapag kailangan mo ng makakausap andito lang kami, okay?" Sabi niya sa akin.

"Opo ma." Sabi ko sa kanya at nginitian niya ako. "Sya nga pala ma, pwede ka naman na bumalik sa trabaho mo ma. Pagbalik mo roon, wala ka nang aalagaan at babantayan. Puwede ka na ulit bumalik sa trabaho mo ma." Sabi ko sa kaniya.

Biglang nagbago ang reaksyon ng mukha ni mama. Para siyang malungkot na nagaalala at nagtataka. "Xia, anak, lumipat ka ba dito para makabalik ako sa trabaho at hindi ka nalang bantayan?" Tanong ni mama sa akin. "Anak, nagresign ako sa trabaho para bantayan ka at maging nanay mo..." Sabi niya sa akin. "At kahit wala kang sakit o ano pa man, magreresign at magreresign pa rin ako kasi mas gugustuhin kong maging nanay niyong dalawa ng kuya mo at maging asawa sa papa mo kaysa magtrabaho." Dagdag pa ni mama.

"Hindi naman ma." Pagtatanggi ko kahit na isa yon sa mga rason kung bakit napili kong magstay nalang dito. Alam din ni kuya yon, isa yon sa mga rason kung bakit nakumbinsi ko si kuya. Nakikita rin kasi namin kung gano kasaya si mama sa trabaho niya at kung gano kaganda ang trabaho niya. Kaya nang magresign si mama, galit na galit talaga ako sa sarili ko. Para kong inalis yung kaligayahan sa nanay ko, para lang alagaan ako. 

Naiinis rin ako sa sarili ko kung bakit ako ganito, ang laki laki ko na para magpaalaga sa kanila. Pero hindi ko rin naman kaya kasi, kaya nga dahil din don, naiinisako sa sarili ko. Kung sasabihin ko kay mama na isa yon sa mga rason kung bakit gusto kong lumipat magisa, sigurado ay iiyak yon sa bahay para sisihin ang sarili niya. O baka nga kahit nasa biyahe palang kami. 

Parang natunaw na naman ang puso ko nang marinig ko ang huling parte nang sinabi ni mama. Alam ko sa sarili ko na hindi ko love language ang words of affirmation, pero hindi ko talaga akalain na kinakailangan ko pala siya at isa siya sa bumubuo sa akin.

Hinawakan ko ang mga kamay ni Mama. "Lumipat ako dito ma dahil naalala ko kung gano ako kasaya nung nandito pa tayo nakatira, kaya baka kahit papano ay maibalik ko ang sarili ko." Pagsisinungaling ko sa kaniya. Pero infairness naman, may point yung sinabi ko, sobrang convincing na pati ako naconvince. Aye.

Ngumiti sa akin si mama saka ako hinalikan sa noo. Yumuko pa ako para maabot niya yung noo ko. "Mahal na mahal kita anak, tandaan mo palagi na andito lang kami para sayo ha..." Sabi ni mama.

"Opo ma."

"O sya, sasakay na ako sa kotse ng papa mo. Bye anak, alagaan mo sarili mo rito ha?" Pagpapaalam niya sa akin bago siya sumakay sa kotse ni papa. Tumango ako bilang sagot.

Maya maya ay lumabas na rin si papa sa bahay. Akala ko aalis siya nang hindi nagpapaalam sa akin pero nagsalita pa siya bago siya umalis. 

"Anak, unahin mo muna ang sarili mo rito. Huwag mong isipin na gumaling agad kung hindi mo kaya. Ayos lang sa akin kahit matagal , basta gumaling ka. M-Mahal kita anak." Sabi niya sa akin.

Hindi ko napigilan ang luha ko at niyakap ko siya. Hindi ko aakalain na lalabas yon sa mga bibig ni papa. Hindi madalas magsalita si papa ng mga ganon lalo na yung salitang "Mahal kita" kaya nauutal pa si papa nang sabihin niya sa akin yon.

"Mahal din kita pa." Sabi ko at pupunasan ko sana ang mga luha ko pero naunahan niya ako. Siya ang nagpunas ng mga luha ko. 

Ngumiti siya sa akin. "Alagaan mo sarili mo ha? Alam kong hindi madali to pero sinubukan mo, proud ako sayo anak." Naiiyak na naman ako. Pero this time ako na ang nagpunas ng mga luha ko.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon