Xia's POV
Lahat sila ay nakatingin nang diretso sa akin. Inaasahan nilang nagkakamali lang ako ng desisyon sa buhay o ano. Gusto nila na baguhin ko ang desisyon ko at manatili kasama sila, pero ayoko. Gusto kong mapag-isa. Pakiramdam ko ay mas makakatulong ito sa akin at mas gagaling ako kung lilipat ako sa probinsya.
"Anak, pwede ka naman gumaling kahit kasama mo kami. Mas matutulungan ka namin. Kapag doon ka sa probinsya, ikaw lang mag-isa, baka hindi mo lalo kayanin anak!" Sabi ni mama at umiyak. Agad naman siyang niyakap ni papa para pakalmahin.
Nakatingin sa akin si kuya na para bang inaalam nya kung tama ba ang aking ginagawa. Tinitignan nya ako na parang inaanalyze nya ang buong pagkatao ko. Kapag ganyan si kuya, inaalam na nya kung kakampihan nya ba ako o hindi. Pwes sana ngayon kampihan nya ulit ako.
Nakaupo ako sa sala at lahat sila ay nakaharap sa akin habang si kuya ay nakasandal sa may dingding at nakikinig din sa usapan. Alam kong nagtataka kayo ngayon kung ano ang nangyayari, kaya ngayon ay sasabihin ko na.
MOMENTS EARLIER
Nasa kwarto ako ngayon at tumitingin ng photo album naming pamilya. Ang saya saya ko pa dati. Nakatingin ako sa larawan ko ilang taon na ang ang nakalipas, napakasaya ko dati nung nakatira pa ako sa probinsya. Nagbuklat-buklat pa ako ng mga pahina at nakita ko roon ang larawan ng lolo't lola ko. Masaya pa ako dati noong kasama ko sila.
Sa totoo lang, masaya talaga ako noong nasa probinsiya pa ako. Iisa lang ang kapitbahay namin doon at malayo pa ang pagitan ng dalawang bahay. Bukod doon, madamo ang paligid, para bang nasa isang bundok kami tapos may bahay doon tapos ang paligid non ay bermuda grass. Tapos sa may pababa ng bundok ay may mga bahay rin na malayo sa amin na napapalibutan naman ng mga puno. Tapos dahil nasa mataas na parte kami, nakikita namin ang tanawin sa baba. Napakaganda talaga nya.
Habang nagbubuklat buklat pa ako ng mga pahina, nakita ko ang picture noong bata pa ako, lahat kami ay nakaputi, nakahawak pa ang kamay ko kay lola. Samantalang si kuya naman ay nakatingin sa kung saan habang hawak ang kamay ni mama. Hindi ko matandan kung ano ang meron pero eto ang huli naming larawan na magkakasama kami. Si Lola, Lolo, Mama, Papa, Kuya, at Ako.
Meron din akong picture doon sa may damuhan, medyo bata pa ako, pero kitang kita ang saya sa mukha ko. Perfect na sana yung picture kung hindi lang kita yung tao sa may likuran. Hindi pa kasi uso yung photoshop dati.
Habang nagtitingin-tingin ako ng larawan namin noong bata pa ako sa probinsya, parang gusto kong bumalik doon. Nakita ko kung gano ako kasaya at kakuntento. Parang gusto kong bumalik.
Piinagisipan ko pa ng mga ilang minuto ang mga pros ang cons kung titira ako roon. Ako nalang ang mag-isang titira roon. Mas gusto ko iyon. Kailangan ko ng peace of mind. At sa bandang huli, nakapagdesisyon na ako. Titira ako mag-isa sa probinsya.
Tinawag kong silang lahat sa sala at lahat sila ay nakaabang sa sasabihin ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin, nagaalala sila mama at papa kung ano ang gusto kong sabihin na para bang ibibigay nila kahit ano ang hilingin ko. At si kuya naman ay nakaabang lang sa sasabihin ko. \
Nahihirapan ako kasi hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila yung gusto kong iparating kaya inabot pa ng ilang minuto bago ko sabihin. Kung hindi pa ako tatanungin ni kuya ay hindi ako matatauhan. Para kasi akong tanga dito na isinasaulo muna kung ano ang sasabihin bago sabihin sa iba.
"Ano bang sasabihin mo?" Tanong ni kuya. Napatingin ako sa kanya at kila mama. Naghihintay pa rin sila sa sasabihin ko at nakatingin sa akin na para bang susundin nila lahat ng sasabihin ko.