Xia's POV
Nandito ako ngayon sa may kwarto kung saan puro paintings ang nasa paligid ko. Meron kasi kaming kwarto kung saan kami pwede magpaint. Nandito rin ang mga lumang paintings na sila mama, papa, lolo at lola pa ang nagpaint.
Nasa harap ako ngayon ng isang canvas at nagiisip ng ipapaint ko. Tumingin ako sa paligid ko para kumuha ng idea, at nakita ko kung gaano kagaling sila lolo at lola gumawa ng paintings.
Parehas sila na impressionism ang uri ng art na pinepaint, si mama naman ay expressionism, tapos si papa naman ay abstract. Hindi ganon kahilig si papa magpaint dati pero nang mapangasawa niya si mama at nakilala niya sila lolo at lola, nagstart na rin siya magpaint. Isa yon sa mga bondings nila.
Naaalala ko pa dati na nagpapaint silang apat, tapos si kuya ay nagddrawing ng kung ano ano sa papel, tapos ako naglalaro lang. Pag natapos na ako maglaro, lalabas ako para magikot ikot tapos tumingin sa tanawin.
Nang makaisip ako ng idea, nagsimula na ako magpaint. Ang ipapaint ko ay dalawang mag-asawa na nagpapaint sa may damuhan at nakatingin sa tanawin. Pero sa gilid non ay dalawang gravestone kung saan sila nakalibing.
Sila lolo at lola ang dinadrawing ko. Nang tumanda na kasi sila lolo at lola, madalas na sila nagpapaint dahil hindi na nila kaya ang magtrabaho. Kaya naman binibilhan lagi nila mama at papa sila lolo at lola ng canvas at paints. Nang mamatay sina lolo at lola, wala nang nagpapaint at naiwan nalang nakatambak dito sa kwarto ang mga gamit.
Ang canvas na ginagamit ko ngayon ay ang dating canvas nila lolo at lola, yung paints kasi ay nagtigasan na dahil sa kalumaan, mabuti nalang ay meron akong paint na dinala na ginagamit ko sa bahay dati.
Noong bata ako, madalas ako magpaint dahil nakikita ko silang nagpapaint kaya naamaze ako at gusto kong gayahin. Noong nasa elementary ako ay madalas ako nagpapaint at sumasali sa poster making contest para magpaint at nanalo ako ng mga ilang awards. Kaso nang makarating ako ng highschool ay hindi na ako ulit nakapag paint dahil mas nagfocus na ako sa academics.
Mataas ang pangarap sa akin ni papa at gusto niya na makapagaral ako sa abroad, kami ni kuya. Kaya nagsisikap ako na magaral nang magaral para matupad ang gusto niya. Gusto ko rin naman iyon, kasi gusto ko rin ng magandang kinabukasan. Kaso nga ay nasira ko na.
Dahil don ay nagsimula ako maging sensitive. Dahil sa mga nangyari sa akin na nagkasabay sabay at nagkapatong patong kaya ako bumigay.
Nang ipa-check up ako nila mama sa may psychiatrist ay nadiagnose ako na may depression. Sinabihan ako ng doctor na makakatulong sakin ang pagdidistract sa sarili hanggang sa tuluyan siyang mawala. Isa sa mga sinuggest niya sa akin ay ang pagpapaint dahil namention naman nila mama na nagpapaint kami, tinanong niya kung pwede raw ba iyon. Nang malaman yon ni papa ay agad niya ako binilhan ng napakaraming paint at canvas.
Minsan pa ngang nag day off si papa para magkabonding kaming lahat kasi naniniwala siyang makakatulong sa akin ang family bonding. Kaya pumunta kami sa may park kung saan wala masiyadong tao at doon kami nagpaint apat. Kaso hindi ko talaga kaya at wala ako masiyadong gana kaya hindi siya ganon kasuccessful.
Dahil nga rin ay wala akong gana, hindi ako masiyadong nakakapagpaint para idistract ang sarili ko dati. Kaya marami pa akong natirang paints at nagulat ako nang dinala siya ni papa dito. Nawala talaga siya sa isip ko na dalhin. Pero dahil dinala niya, tingin ko ay makakapagpaint na rin ako ngayon para madistract ang sarili ko since ayon din naman ang rason kung bakit ako nandito. Tingin ko mas makakatulong sa akin ang magtuon nalang ng focus sa pagpapaint kesa sa mga bagay na makakapagpasira sa akin.