CHAPTER FIVE

2 0 0
                                    

Xia's POV

"Tomorrow na birthday mo. Anong gusto mong gift, anak?" Tanong sa akin ni Mama.


Bukas na pala birthday ko, hindi ko namalayan ang oras dahil sa sobrang bilis nito. Bukas ay 18 years old na ako, hindi na ako menor de edad kaya feeling ko tuloy ay ang tanda tanda ko na.


Parang ang bilis lang ng panahon ng pagiging bata ko.


"Hmmm, hindi pako sigurado ma, wala pa ako maisip." Sagot ko kay mama.


"Gusto mo rin ba ng kotse anak kagaya ng sa kuya mo?" Tanong sa akin ni papa.


"Hindi naman ako marunong magdrive pa." Sagot ko kay papa.


"Okay, di bale na, bibigyan ka nalang namin ng pera ng papa mo para may budget ka kung sakaling gagala kayo ng mga friends mo." Sabi ni mama sa akin pagkatapos ay ngumiti kaya ngumiti rin ako sabay nagpatuloy sa pagkain.


Naunang natapos kumain si papa dahil may pasok pa siya, ganon din si mama. Kami nalang ni kuya ang kumakain ngayon nang tumayo siya dahil tapos na siya. Kinuha niya ang mga pinagkainan nila mama at papa na iniwan lang nila sa mesa at nilino ito pagkatapos ay nagsalita.


"Ikaw maghuhugas ng plato." Sabi ni kuya sa akin habang hawak hawak niya ang mga hugasan.


"Huh? Ayoko nga, birthday ko na kaya bukas kaya ikaw ang maghugas ngayon." Sabi ko sa kaniya at nagpatuloy sa pag kain.


"Kaya nga birthday mo na bukas, kaya panigurado hindi ka lalo maghugas."


Masama akong tumingin sa kaniya. "Hindi mo na nga ako inaalok kung anong gusto kong regalo sa birthday ko tapos paghuhugasin mo pa ako? Ang sama sama mo!" Sabi ko saka siya inirapan.


"Eto ang regalo ko sayo. Huling paghugas ng plato sa edad na disisyete." Sabi niya saka ako tinalikuran. Habang nakatalikod siya ay nagmamake face ako dahil pinapahugas niya ako ng plato.


Nang matapos ako ay agad akong naghugas at narinig kong nagbubusina na si kuya sa labas ng bahay. Pinapamadali niya kasi ako. 7:30 ang pasok ko at 8:00 naman sa kaniya. Malalate siya kung 7:30 ay nasa bahay pa rin siya dahil mas malayo ang school niya kesa sa school ko.


PERO AKO AY MALALATE NA DAHIL 7:20 NA!!


DAHAN dahan akong nagtitiptoe sa likod ng classroom dahil nalate na nga ako. Agad akong dumiretso sa upuan ko at umupo na sa may likuran katabi ng mga kaibigan ko.


"Bat ka late Dria? Ganyan ba kapag birthday na tomorrow?" Pabulong na biro ni Jessica habang nananalamin at inaayos ang kaniyang buhok


"Hahaha, hindi noh, pinaghugas pa kasi ako ni kuya ng mga plato." Sagot ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon