RED
"SIR RED," tawag ni Kit. Ang isa sa mga bartenders ng The Gray Penthouse. Nag-angat ako ng mukha at nakita ito na nakasilip sa pintuan ng opisina. Alanganing nakangiti ito.
"Kit." Kapag ganito si Kit ay nahuhulaan ko na may problema na naman ito sa pera. Pinapasok ko ito. Alanganing pumasok ang lalaki at marahan na isinarado ang pintuan. "May kailangan ka?" panghuhula ko na.
Napakamot ito sa batok. "Nakakahiya man, Sir Red. Kaso nagkakasakit ang anak ko. Baka--Baka gusto ninyo ng relo na pambahay lamang," nahihiyang sabi niya. Inalis nito sa kamay ang suot na relo at inabot sa akin. "Nahihiya na kasi ako sa inyo, Sir Red. May utang pa ako kaya naisip ko na baka gusto ninyo na kunin ang relo na padala ni Kuya."
Kinuha ko iyon at tiningnan ang Chronograph stainless steel watch.
"Alam ko na malayo yan sa mga relo na isinusuot ninyo, Sir," nahihiya pa rin sabi niya. "Pero baka lamang magustuhan ninyo."
Isinukat ko iyon. Sakto lamang. Napatingin si Kit sa cctv monitor na nakatutok sa iba't ibang sulok ng bar. Nanlaki ang mga mata nito na sinilip nang maigi ang monitor.
"Andito na naman si Miss Lasengga," sabi niya na napapailing.
Kumunot ang noo ko na tiningnan ang tinitingnan niya. Isang babae ang nasa bar counter kung saan madalas nakapuwesto si Kit. She looked decent in her corporate attire. Napatingin ako sa orasan. Pasado alas kuwatro pa lamang.
"Na naman?"
Tumango si Kit. "Pang one week na niya rito sa bar, Sir. Galit sa alak. Babalik na muna ako sa pwesto, Sir." Tiningnan niya ang relo niya na nasa kamay ko. "Sir, sa inyo muna yan at baka magustuhan ninyo," nakangiting sabi bago lumabas.
Napatingin ako sa babaeng nasa screen. Napailing na lamang ako. Dahil wala sa itsura niya ang babaeng naghahanap ng ka-one night stand, sigurado ako na lalaki ang dahilan ng pag-iinom niya.
Gabi-gabi?
That sucks.
Perfect Love, Book 1 of Cinderella Series
BINABASA MO ANG
Perfect Love (Cinderella Series Book 1)
Tiểu Thuyết ChungBianca met Red when she was brokenhearted. Afraid to celebrate her 35th birthday as a single woman in front of her friends and family, she asked Red to be her 'boyfriend'. Red, who felt sorry for her, agreed. But in one condition that Bianca should...