BIANCA
Ramdam ko ang pamumula ng magkabila kong pisngi dahil sa nangyari kanina. He just kissed me! Sa harap ng napakaraming bisita! Ngayon parang balewala lamang iyon sa lalaki. I frowned at him. We are dancing slowly, rhythmically. To start the party, we opened it with a dance. Sumunod na ang iba matapos ang mga unang minuto na isinasayaw lamang ako ni Red. Wala kaming imikan. He was just smiling at everyone but avoiding my gaze.
"Why did you do that?" mahina kong tanong. Hindi na talaga ako nakatiis dahil mukha naman wala siyang balak na magpaliwanag! Dahil sa ginawa niya lalo na tuloy akong di titigilan ng mga kaibigan ko na kanina pa talaga kami pinapanood mula nang bumaba ako ng hagdan. Kanina ay nakita ko na naroon din ang grupo ng mga Elders. Oh, god. I know they won't let it skip them that Red just announced, without even words spoken, that he was going to marry me!
"Did what?" Kumunot ang noo nito na nagmamaang-maangan pa. Naningkit ang mga mata ko. "Ah, you mean, kissed you?" kunwa ay naalala rin niya. He grinned. "You said it last night. Sabi mo we should kiss," kaswal niyang sabi.
I glared at him. Ako pa talaga ang ginawang dahilan. "Hindi ko sinabi na sa harap ng napakaraming tao. They are now thinking that we are getting married."
Nasamid ito at mukhang namutla pa. "Kasal agad? Hinalikan lang kita. Hindi ba kayo naghalikan dati ng ex mo?"
"Hindi kami naghahalikan in public place!" I said heatedly.
He just shrugged his shoulder bago tumingin sa may bandang likuran ko. "Who are they?"
Kumunot ang noo ko. "Sino?" Tsismoso din ito.
Inginuso niya ang mga tao sa likod ko. Bahagya akong lumingon at natigilan na ang table ng mga Elders ang tinutukoy ni Red. They are looking at us seriously. Agad na ibinalik ko ang tingin sa kanya. Kinakabahan ako sa mga klase ng tingin ng mga Elders. "Them. The ones who wear black and white gown. Are they part of a cult or something?" he asked worriedly. "Baka grupo sila ng mga babaeng naghahanap ng asawa."
Napakurap-kurap ako sa kanya. I felt guilty that he hit the truth. "Naghahanap ng mapapangasawa?"
"They looked old maidens." Napapatitig ako sa kanya. Pagkuwa'y nanlaki ang mga mata ni Red at itinaas ang dalawang kamay. "I am just kidding. Hindi ka mabiro. Kanina pa kasi sila nakatingin. Sino ba sila?"
Telling him won't change anything. Hindi ko naman siya boyfriend.
"Elders. They are part of Aurora's community," wala sa loob na sagot ko. "They know that Luis and I are soon to be married," sa mahinang tinig ay dugtong niya. Then she glared at me. "Now, you complicate things because you kissed me!" singhal ko sa kanya. Ngayon, mas malaki na ang problema ko!
He stared at me and despite my outburst, he just said calmly, "You kissed me back."
GET A SLOT IN OUR PREORDERING IN YEAR 2023 printing of Forgotten Memories Hardbound Bundle and GET A FREE VIP ACCESS.
Full version at www.nobelista.com
BINABASA MO ANG
Perfect Love (Cinderella Series Book 1)
Fiksi UmumBianca met Red when she was brokenhearted. Afraid to celebrate her 35th birthday as a single woman in front of her friends and family, she asked Red to be her 'boyfriend'. Red, who felt sorry for her, agreed. But in one condition that Bianca should...