Free Ride, Breakfast and a Boyfriend

143 7 0
                                    


KEIRA


Muntik ko nang maibuga ang pinaglalaruan ko sa bibig na pearl mula sa iniinom ko na fruit tea nang mabasa ko ang group chat ng Cinderella.  Inalis ko sa pagkakapatong ang dalawang paa ko sa glass table at nanlalaki ang mga matang binasa iyon nang ilang beses.


SARA: I saw Bianca today. Break na ba sila ni Luis? She's with another man. She looks like she just wake up from her sleep.


Sunod-sunod na ping na ang narinig ko mula sa notifications ng group chat. Nagtatanong ang iba at obvious naman na gusto lamang maki-tsismis. Shit. Kahit kailan madaldal itong si Sara. Anong with another man? Bianca is not a playgirl like Amber. Si Luis lamang ang pangalawang naging boyfriend niya. 


Agad na ini-open ko ang group chat notification naming magkakaibigan. Si Madison lamang ang naka-online. Agad na tinawagan ko ito. 


"What the hell?" bungad agad ni Madison na halatang gigil na gigil. "That woman, kakatanda na, tsismosa pa rin! How dare she is para sabihin na may ibang lalaki si Bianca? I swear--"


"But what if it's true?" agaw ko sa sasabihin niya. 


Natahimik si Madison. Then she sighed. "Kung totoo man, let Bianca spill it on her own."


Hindi ko lubos maisip na gagawin iyon ni Bianca. Next week na birthday niya. Alam ng buong Aurora na sila ni Luis ang magkasintahan. 


"Pero okay naman sila ni Luis, hindi ba?" Madison asked. 


"And we all know about the rumors spreading in Aurora. About a politician and a young volunteer. Si Yaya Caridad ay well-informed ng mga tsismis tungkol sa Aurora. If it comes from her, it means legit ang source," I said proudly. "That's why I couldn't ask Bianca about it. Hindi ko alam kung sino ang papaniwalaan ko. Si Yaya na dakilang legit ang source sa mga tsismis o si Bianca na nagsabi na magpapakasal na sila ni Luis soon."


Natawa si Madison sa kabilang linya. "Si yaya Caridad, na hindi nauubusan ng legit na source. Wait I have an incoming call. Better tell the girls not to overreact sa sinabi ni Sara. Until now, her mouth is as wide as the mouth of Taal volcano."



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Perfect Love (Cinderella Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon