The Pretend Boyfriend

173 6 0
                                    


BIANCA 


HINDI ko alam kung gusto ko na lamang manakbo pauwi o i-wish na sana ay liparin ako ng hangin sa klase ng pagkakatingin sa akin ng lalaki na para akong nasisiraan ng bait. 


"Maging boyfriend mo?" maang na tanong niya na kulang na lamang na idugtong niya na, 'nasisiraan ka ba ng ulo, Miss?', kind of statement. 


Siguro nga nasisiraan na ako ng ulo. Mula nang malaman ko na si Luis ay may nabuntis at napi-pressure ako sa papalapit kong birthday. Huwag nang isama na nakita ko pa si Sara, ang higanteng prinsesa! Sigurado ako na ipagkakalat niya sa group chat ng Cinderella Club na nakita niya akong may kasamang lalaki. I drew a deep breath. This means trouble. 


I tried to appear casual na ikinibit ko ang balikat. Mabuti na lamang at umalis na si Jollibee na mukha lamang baliw kanina na tumalon-talon pa at pumalakpak. Ikinawag-kawag niya pa ang kanyang puwitan na tila ba tuwang-tuwa na narinig niya akong nag-alok na gawin siyang boyfriend. 


Baliw ka na nga, Bianca Emerald Villoso!


"Anong masama? I can pay your time! Mas malaki pa sa sweldo mo sa pagbebenta ng alak sa Penthouse," I said proudly. I can double his income, mag-pretend lamang siyang boyfriend ko sa birthday ko. 


Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya na umiling-iling. Tumayo na ito. Napatayo rin ako. Nabigla ko yata siya. Kagabi lamang kami nagkakilala tapos inalok ko na agad siyang maging boyfriend. Inilagay niya sa bulsa niya ang hawak niyang cellphone. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung paano ko siya mako-contact.


"Ano number mo?" agad na tanong ko nang makitang aalis na ito. 


He frowned at me. "Number ko? At bakit ko naman ibibigay sa 'yo?" Kulang na lamang ay pandilatan niya ako. 


I looked at him. He looked pissed right now. I have to change my approach. Pinalungkot ko ang mukha ko at naupo. "How can I face my family and friends? Umaasa sila na may boyfriend akong ipapakilala sa kanila." 


"At problema ko ba 'yon? Hindi kita kilala!"


"But you are the nicest stranger that I have ever met. Imagine, binantayan mo ako kagabi, isinakay mo ako sa motor mo at ngayon inilibre mo naman ako sa Jollibee. It means you--"


"Naawa lang ako sa 'yo, Miss!" agad na singhal niya. 


Aray. Awa talaga! Imagine isang Bianca Villoso kakaawaan? Pero mas mukha akong kaawa-awa sa birthday ko kapag nalaman ng lahat na wala na kami ni Luis.


Pinalungkot ko pa boses ko. Di bale ng magmukha akong kaawa-awa sa harap niya. Huwag lang kay Sara, ang higanteng prinsesa, na mukhang isi-celebrate na at my age of 35 ay wala akong boyfriend. That can't be! No fuck ing way!


Inilahad ko ang palad ko sa kanya. "Kung naawa ka sa akin, ano ang number mo?" 




SANA AKIN KA NA LANG SYNOPSIS (2012)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SANA AKIN KA NA LANG SYNOPSIS (2012)


Stephanie loved Dominic for a long time and despite his responsibility as a Saadvera to marry the woman his grandfather chose for him, she couldn't help herself but loved him with all her heart. She tried to forget what she feels until the day Dominic kissed her and everything changed between them.

Can she fight for the love that has no assurance that Dominic's love for her is greater than his commitment to the Saadvera Group? 

Pwede niya bang asahan ang sinasabing pagmamahal ni Dominic kung ang kapalit na ay ang pagtatakwil sa kanya ng kanyang Lolo?



Perfect Love (Cinderella Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon