Kabanata 8

12 1 0
                                    

#proof

Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng ito. Sobrang bilis na para bang hindi ito totoo. Last week ko lang nalaman na ipapakasal ako sa isang lalaki at ngayon ay nakaupo ako sa harap ng salamin habang inaayosan ng make-up artist.

Matapos sabihin ni Tita Lily na ngayon ang kasal ay nag kagulo na kaming lahat. Sinabihan niya kami ni Rhea na pumunta sa isang kwarto dahil naghihintay na raw ang mag-aayos sa amin.

Hindi ko na rin nagawa pang kausapin si Lance. Noong paalis na kami ay nakita ko siyang may kausap sa cellphone. Hula ko ay ang Daddy niya 'yun.

"Tadah!" Naputol ang aking pag-iisip ng magsalita ang make-up artist. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata para tingnan ang sarili sa salamin.

Who is that girl? Nakakalokong tanong ko sa aking isip. Ako ba talaga 'to? Parang hindi. Kasi hindi pa talaga pumapasok sa buong sistema ko na ikakasal ako ngayong araw.

"You look so beautiful, Sam." Sabi ni Rhea na nakabihis na rin. I wonder kung wala ba talaga siyang alam tungkol dito. Ba't parang nakahanda siya ng damit?

"Wala ka ba talagang alam about this?" Pinagtaasan ko siya ng kilay habang sinusuri ang kanyang gown.

"Wala talaga, couz! I swear! Si mommy ang may dala ng gowns okay? Ang dami niyang dala. Kahit ang barkada ni Lance ay meron din. Mukhang planado itong lahat."

I get it. Plano nila ito simula pa lang. Alam ni Tita Lily ang tungkol sa kasal kaya sigurado akong sinadya niyang sabihin kay Rhea ang tungkol sa outing na ito na mukha palabas lang nila dahil ang kasal talaga ang pinaka main event.

"Look at you. You're so beautiful, Sammy!" Ani tita at niyakap ako.

"Where's Dad, tita?" Kailangan kong makausap si Daddy.

"Sam, I'm so sorry for this. I didn't know na wala kang alam tungkol dito. I've been very busy dahil ako ang inutusan ng daddy mo para sa susuotin. 'Yung Mommy naman ni Lance ang namahala sa venue at invitations. Sobrang bilis ng pangyayari."

Nandito na pala ang mommy niya? Ang dami kong hindi alam. Ano bang klaseng kasal ito? My God!

"Can I have a moment with my daughter?"

Agad naman akong lumingon nang marinig ang boses ni daddy.

Lumabas sina Tita kasama ang make-up artist.

"Dad." Lumapit ito sa akin at agad akong niyakap. "Bakit hindi mo sinabi?" I asked.

"I'm so sorry, Sammy. It was Alfonso's idea na huwag ipaalam sa inyo."

"Why? Hindi naman ako aatras, dad. I already said yes. Sana sinabi niyo nalang para hindi kami nagugulat ng ganito."

"I know, hija. Again, I'm sorry. Gusto lang namin na mapadali ang kasal kaya ganito ang nangyari. Magpapakasal din naman kayo ni Lance kaya ayos lang na mas napaaga ng konti." Aniya.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako. "Konti, dad? Mukhang napaaga talaga itong kasal at hindi lang konti. Sobrang bilis ng pangyayari." Kunyari pa akong naiinis.

Tumawa si daddy at hinawakan ang aking pisngi. "Look at you. You're so beautiful, hija. Kung buhay lang ang mommy mo ay siguradong matutuwa siyang makita kang nakasuot ng wedding gown. Huwag kanang mainis. It's your wedding day. You should smile." Tumango ako at ngumiti. I get it. Wala rin namang silbi kung magagalit ako. Tama si dad. Magpapakasal din naman talaga kami.

"Let's go. Kanina pa naghihintay ang groom mo." Groom ko? Nakakatawa naman.

Agad nagsimula ang tugtog at nag umpisang maglakad ang mga abay sa kasal. Hindi ko kilala ang mga nandito. Mga kakilala siguro ito ni daddy at ni tito Alfonso. Ang groomsmen ay ang mga barkada ni Lance at si Rhea naman ang aking maid of honor.

Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon