Kabanata 9

11 1 0
                                    

#kapag handa na

Sobrang pagod ang naramdaman ko ng sa wakas ay nakahiga ang sa kama. Nandito pa rin kami sa resort. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone. 11pm na pala. Umuwi na ang mga bisita nina Daddy. Ang ilan naman na taga rito lang sa Mindanao ay dito na natulog. Maging sina daddy ay dito na rin nag check-in.

Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang malambot na kama. Hindi na ito ang kwartong tinuluyan ko kagabi. Mas malaki ang suite na ito at mas maganda.

Gusto kong matulog dahil pagod na ang katawan ko. Pero sadyang napakarami kong iniisip kaya 'yung utak ko ay ayaw pa akong patulogin.

Habang nakapikit ay hindi ko maiwasang hawakan ang singsing na nasa aking daliri. This is the proof that I'm already married to Lance Gabriel Santillian.

Napamulat ako ng marinig ang pagbukas ng pinto. He's here. Dito rin matutulog si Lance kaya malaki ang kinuhang suite.

Nanatili akong nakahiga dahil nakakatamad ng tumayo. Naglakad siya palapit sa akin. He's still wearing his white longsleeves.

"You're tired?" Aniya.

Saglit ko siya binalingan ng tingin at pumikit ulit. "Yeah. Very tired."

"You should rest then. Maliligo lang ako." Agad itong pumasok sa banyo. Tapos na akong maligo kanina. Wala akong dalang extrang damit dahil ginamit ko na kaninang tanghali. Hindi rin naman ako nag abala pang magdala ng maraming pamalit dahil ang akala ko'y uuwi ako ng Manila ngayong araw. Nalaman ni tita Lily na wala akong pamalit kaya agad siyang nagpabili. And sobra akong nag papasalamat na ang biniling damit ay hindi lingerie. White spaghetti strap at shorts ang suot ko ngayon.

Narinig ko ang pagbukas tigil ng shower. Tapos na siguro siyang maligo. Ilang sandali pa ay lumabas na ito. Hindi ko siya tingnan. Nanatili lang akong nakapikit. Hindi rin naman ako nag papanggap na tulog. Why would I?

Naramdaman ko ang paggalaw ng kama saka ko lang binuksan ang mata ko. Nakaupo siya dulo malapit sa aking mga paa.

He's wearing a white sando and a boxer. Ngayon ay talagang halata na ang pagiging macho nito. Abala siya sa pagpupunas ng buhok. Napansin kong hindi niya talaga tinatanggal ang kanyang hikaw. Bagay naman sa kanya kaya ayos lang.

"Ba't hindi ka pa tulog?" Aniya.

"I can't sleep. Naninibago ako sa lahat ng ito."

Tumigil siya sa kanyang ginagawa at hinarap ako. "Masasanay ka rin. You want us to talk?"

Bumangon ako at umupo. Ngayon ay magkaharap na kami. "Ano naman pag-uusapan natin?"

"Anything. Ano ba gusto mong pag-usapan? Maybe we can discuss about us. We're married now."

Tama siya. Marami pa kaming dapat pag-usapan.

"Ahhmm. Anong plano bukas?" Saan kami pupunta? May pasok ako bukas pero siguradong aabsent na naman ako nito.

"We're going back to Manila tomorrow morning. Gusto nina Dad na mag bakasyon muna tayo pero sinabi kong we have classes." Tumango ako. Mabuti naman at nakumbinsi silang 'wag na kaming mag bakasyon. Para saan pa 'yun? Honeymoon? Hindi naman namin kailangan. We are not like other newly weds.

"Okay. Kailangan ko rin talagang pumasok bukas kahit half day lang."
Tiningnan lang niya ako saka ito tumayo para ilagay ang towel sa upuan.

Naglakad ito papunta sa kabilang side ng kama. "Maaga pa tayo bukas. Sleep."

Yeah. I should sleep para makabawi ng lakas. Humiga ako at tumalikod sa kanya. Pinatay niya ang ilaw kaya nabalot ng dilim ang buong kwarto. Naramdaman ko ang paghiga niya sa aking tabi. Isa ito sa mga bagay na kailangan kong tanggapin.. I'm married at simula ngayon ay may katabi na akong matulog.

Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon