Kabanata 5

10 0 0
                                    

#Pamilya

Where did he get my number?

Nagulat ako sa bigla niyang pag text. Hindi ako makapag-isip ng mabuti. The hell! Kailan pa ako naubusan ng ideya?

Minabuti kong umuwi muna sa condo para mailagay ang pinamili sa ref at para kumain na rin ng dinner. Kung dinner ba talagang matatawag ang niluto kong lasagna.

Saktong 9pm na saka ako nag reply sa kanya.

Ako:
Sure.

I have to keep it cool. Kahit na ang totoo ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung tama ba itong pinasok ko.

After a few minutes ay agad naman siyang tumawag.

"Hello."

"Hey. I'm here sa building ng condo mo." Sabi niya sa kabilang linya.

What is he doing here?!

"What?! You're here? Why?"

"I want us to talk. Pwede ka bang bumaba?" Aniya. Bigla naman akong napatayo at agad na tiningnan ang sarili sa salamin. Buti nalang at 'di pa ako nagpapalit ng damit.

"Okay. I'll be there." Sabi ko at agad pinutol ang tawag.

Medyo kabado ako habang nasa elevator pababa. Bakit kailangan pa niyang pumunta rito? He want us to talk? We can talk over the phone. Kailangan talagang personal?

Naputol ang aking pag-iisip ng huminto na ang elevator sa ground floor. This is it. Huminga akong malalim at agad na nag lakad patungo sa waiting area. Nakita ko siyang nakaupo at seryoso ang mukha. He's wearing a simple black polo shirt at pants. Nang makita niya ako ay tumayo ito at sinalubong ako.

"Hi. What are you doing here? We can talk over the phone naman." I said.

"Good evening. I'm sorry for coming here without informing you. I want us to talk personally." He said. So formal.

"Ah. Okay. So, where are we going to talk?"

"I know a place. If it's okay with you. Kung pagod ka na, pwede naman dito but I think it's not the proper place. Maraming taong dumadaan." Aniya. Napansin ko rin. 9pm na kasi. Marami ng umuuwi mula sa trabaho.

"No. It's alright. Ayaw ko rin dito."

Agad naman kaming lumabas at sumakay sa kanyang hilux. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Tahimik lang akong nakaupo at nag-iisip kung ano ang kalalabasan ng pag-uusap namin.

After 15 minutes ay hininto na niya ang sasakyan. Napansin kong medyo malayo na ito sa sentro at 'di gaanong marami ang mga sasakyang dumadaan.

Binuksan niya ang bintana ng kanyang sasakyan at agad kong naramdaman ang malamig na hangin.

"Ahhm. Okay lang ba sa'yo na rito tayo mag-usap?"

"Yeah. Ayos lang. Ano ba gusto mong pag-usapan?" Dretso kong tanong. Kanina ko pa gustong mag-usap kami at nang matapos na 'to.

"Obviously, I want to talk about us. Tungkol sa kasal." He said. Tumango ako ngunit hindi ko siya tiningnan. Sa labas ko pinupukol ang aking paningin.

"Aryt. What about us? What about the wedding?"

"Why did you agree? What's your reason?"

"Seriously? 'yan talaga tanong mo?" Ibang klase rin ang isang ito.

"Yea. I want to know."

Nagkatinginan kami. Saka ko lang napansin ang kumikinang niyang hikaw. Boy next door?

"Well, honestly 'di ko rin alam. I mean, do I have to have other reason? Pumayag ako because I can't say no to my dad. Kami nalang dalawa dito sa mundo and I love him so much."

"Ayos lang sa'yo na siya ang mag decide nga future mo? You know, marriage is not a joke." Alam ko! Di mo kailangan sabihin. Para namang sinasabi niyang 'di ko alam itong pinapasok ko.

"Alam ko. I trust my dad. He knows kung anong makakabuti sa akin. I don't have a reason para hindi pumayag. Lumaki akong lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Ako lagi ang nasusunod. Ngayon lang humiling si Dad. Ibibigay ko ang gusto niya."

"You're the good daughter then." Sabi ni na may halong panunuya. Di ko na gusto ang takbo ng usapan namin.

"Nope. I'm not. Hindi ako good daughter kung 'yan ang akala mo. I'm a bad girl. Very bad daughter actually." Binaling niya ang tingin sa akin at dretso ko naman siya tiningnan. "Ikaw? Ba't ka pumayag sa kasal?" I want to know kung bakit ayos sa kanya ang kasunduang ito.

"I can't say no. This is the only solution for my problem."

"What problem? Babawian ka ng mana? Just like the common na pananakot sa mga anak ng businessman?" Tumawa pa ako dahil sa sinabi ko. Totoo naman. Kadalasan ay iyan ang pananakot ng mga magulang sa anak na ayaw sumunod sa kanilang gusto.

"Ayos lang kung mana ang mawawala sa'kin. I don't need the money. Mas mahalaga ang nakataya sa pag papakasal ko sa'yo."

"Eh kung ganun, ano pala ang problema? Ano ba ang nakataya at mas higit pa sa pera?" Gusto kong malaman. Mukha kasing seryoso na talaga ang sinasabi niya.

"Family.." Tipid niyang sabi.

What?!

"Pamilya ang mas higit pa sa pera.. My parents, they're not in good terms. Maghihiwalay sila kung hindi ako magpapakasal." Tipid siyang tumawa pero bakas sa mukha niya ang lungkot.

Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon