Kabanata 6

12 0 0
                                    

#what's mine

Napansin kong malungkot ang kanyang mga mata kahit na nakangiti siya. Fake na ngiti.

Matapos kung marinig na maghihiwalay ang parents niya kapag 'di siya nag pakasal ay saka ko lang naunawaan ang ibig sabihin ng 'mas higit pa sa pera' ang nakataya sa kasalang ito.

"H-hindi ko alam ang whole story but you think maghihiwalay talaga sila kung sakaling 'di ka pumayag?" I said. Kasi naman parang panakot lang nila ang hiwalay na 'yan. He's dad is a good man.. I think. Kasi kahit na isang bese ko pa lang siyang nakita at mukhang mabuti siyang tao. He's the bestfriend of my dad. Mabuting tao si daddy kaya alam kong mabuting tao ang matalik niyang kaibigan. Isa pa, sinabi rin niyang excited ang mommy ni Lance sa kasal.

Huminga siyang malalim saka nagsalita. "Iniisip mo siguro na baka 'di nila gagawin ang panakot nila.. Na niloloko lang ako ng parents ko.."

"Yeah. Paano mo nalaman? Mind reader ka ba?" I joked. Kailangan kong magbiro dahil awkward at masyado na kaming seryoso.

"My parents, especially my Dad, ay hindi nagbibiro. He's a very serious man. Gagawin niya lahat ng sinasabi niya. Alfonso Santillian is a cold hearted man.." Matigas niyang sabi.

I get it. Siguro ay mali ako sa pag-aakalang pareho si Alfonso Santillian at si dad. My dad isn't like him. Mapagmahal si Rafael dela Vega.

"So, what now?" Pag-iiba ko sa usapan. Masyado na kaming seryoso. Wala pa akong balak kalkalin ang problema ng kanilang pamilya.

"We're going to talk about us. And when I say about us.. tungkol sa sitwasyon natin. Sa tingin ko ay wala ng atrasan 'to unless magbago isip mo since hindi gaanong mabigat ang rason mo to say yes sa marriage." Aba't hinahamon ba ako ng isang ito?

"No. Hindi ako aatras. I'm sure about this." Matapang kong sabi.

"Okay then. After the wedding you're going to live with me. Sa condo ko. My dad brought a house for us, wedding gift daw, pero ayaw kong tumira dun. I'm telling you this para makapag-usap tayo sa mga gusto at ayaw ng bawat isa." Aniya.

Shit! Ngayon ko lang naisip ang tungkol dito. Baliw ka talaga Sam! Ba't hindi mo naisip ang tungkol dito? Of course! After the wedding ay kailangan magsama sa iisang bubong ang mag-asawa. Mag-asawa! Did I just say that?

Huminga akong malalim at binuksan ang pinto ng sasakyan. Bumaba ako. I need enough air for this! Narinig ko rin ang pagsara ng kabilang pinto which means lumabas rin siya.

Sumandal ako sa harapan ng kotse at tumabi naman siya sa akin. Tumingala lang ako sa langit. Ang daming bituin ngayon..

"So? What can you say?" Aniya.

"Hindi pa namin na pag-uusapan ni dad ang tungkol sa mga ganyang bagay. You see, 2 days pa lang mula nung nalaman ko ang tungkol sa fixed marriage na 'to."

"It may be too fast for you huh. Matagal ko ng alam ang tungkol dito. Months ago pa." Nagulat ako sa sinabi niya. Really?

"Alam ko na ipapakasal ako sa isang babae but I didn't know na ikaw 'yun." He said.

"Actually Lance I agree with you. Hindi rin ako comfortable kung sa isang malaking bahay titira. Nasanay na ako sa condo ko."

"You can think kung anong gusto mong gawin sa unit mo after the wedding. Pwedeng paupahan mo or sell it." Tumango lang ako. Siguro ay kailangan ko ng maghanap ng titira dun.

Sandali kaming natahimik. Sabi niya pag-usapan namin ang mga bagay after the wedding. Hmmmm. I think kailangan ko na rin e-open ang topic.

"Are you in a relationship right now?" Dretso kong tanong. Mukhang nabigla siya. Mula sa pagkakatayo ay sumandal siya sa kanyang sasakyan.

"No. I'm not. I'm single."

Tumango ako saka tumingin sa paligid. Mukhang marami na ang nakaparadang sasakyan dito ngunit malayo naman ang pagitan sa ibang sasakyan. May iilan ding tumatambay at ang iba ay nag de-date yata.

"No girlfriend huh. How about flings?" Kailangan kong malaman. This is a very important matter kung sakaling kasal na kami.

Tumawa ito. "Why are you laughing?"

"Because you're very staightforward."

"Ganito talaga ako. So, flings?"

Ngumisi siya. Hinawakan niya ang kanyang baba saka tumingin sa akin. "One question at a time.. How about you? Boyfriend?"

You want this huh?!

"Nope. I don't have a boyfriend. Maraming nanliligaw but I don't like them. They're like me. Nakikilala ko sila sa mga night outs ko kaya I'm sure pareho ko silang lahat.. Fun lang ang gusto." Totoo naman. Party girl ako. Sa bawat lugar na puntahan ko at meron akong nakikilala. Mga lalaking walang kayang gawin kundi saktan ang babae matapos pagsawaan.

"I guess I'm gonna marry a brat then."

"Yeah. That's for sure.." Tumingin ako sa kanya at nag taas ng kilay. "Flings?"

"Yea. Flings. Sila lumalapit eh." I knew it. Sa porma pa lang ni Lance ay mahahalata na kung anong tipong lalaki siya.

"So, I guess after the wedding I'll live with you tapos balik sa normal life. You can do what you want. You go out with your flings. I will party and do what I want." I said.

"Walang pakialaman is that what you're trying to say?" Seryoso niyang tanong.

"Yes. Exactly. Nakuha mo." Sabi ko na mag kasama pang palakpak.

"I don't think that's a good idea."

"At bakit naman?"

"You're my wife by that time. Kahit na fixed lang ang magiging kasal natin, asawa pa rin kita. I don't like sharing what's mine." Seryoso niyang sabi. The hell!

Better TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon