Alara
Senior Highschool
11Alam mo yung pinaka nakakainis tuwing dadaan ka sa mga sari sari store?
Maririnig mo agad ang chismis na kung saan saan pang lupalop nang mundo galing.
Hindi tuloy ako pinayagan ni mommy na sumunod kay ate kate sa siyudad para sa senior highschool ko. Kasi nga nachismis akong buntis, para daw madebunk ang useless rumors ng mga chismosa naming kapitbahay ay dapat daw huwag muna akong aalis at ipakita sakanila na hindi naman talaga ako buntis.
Di ko alam paano nila nakuha yan, hindi naman ako bloated palagi, hindi naman ako tumaba, wala rin naman akong boyfriend ( sa ngayon) at isa pa ni hindi pa nga ako tumutungtong ng disesais.
Kung sana marunong lang sila magtikom ng bibig sana naka alis nako sa lugar na 'to.
"Pabili po, isang coke at dalawang piattos na green."
Sabi ko na nakatingin lang sa tindera dahil isang galaw lang ng mga mata ko makikita ko na agad ang mga chismosang gurang na todo kung makatingin sakin.
Kita ang gulat at pag aalala sa mga mata ng tindera.
"Ineng, hindi ba't buntis ka? Makakasama sa bata ang soft drinks at chichirya."
Sa sobrang inis napapikit ako! Urrrh! Pati ba naman sa tindera nakaabot ang chismis?!
"Hindi po ako buntis, pero yung anak po ata ni aling gina buntis, diba?"
I looked at the number marites in town after saying those words, anger was evident on her face.
"Nako, totoo ba iyan Gina? Kaya ba hindi na lumalabas iyang dalaga mo diyan?"
Tanong ng tindera kay Aling Gina na kamatis na ata dahil sa sobrang pula.
"Nakong bata ito! Nagkakalat nang hindi totoo! Hindi buntis ang anak ni Gina, baka ikaw oo!"
Galit na pasabi sakin ni Aling Maria , bestfriend goals talaga sila ni Aling Gina! Sana all may back upInirapan ko nalang sila at kinuha ang binili ko, siguro masama talaga ang ugali ko dahil pinatulan ko ang matatandang iyon. Pero bahala sila dahil kahit bata ako hindi ko pagtitiisan iyang ugali nila.
"Napaka pangit nang ugali, nako kung ganiyan ang ugali niya hanggang sa pagtanda ay walang magkakagusto sa kaniya."
Pagpaparinig sakin ni Aling Gina na rinig na rin ng buong barangay.
Ano bang pinuputok ng butchi nya? Wala namang may pakealam sa kaniya dahil buong barangay ata ay nachismis na niya.
Umirap lang ako at naglakad na pauwi. Kung maka salita siya akala mo naman manghuhula, wala nang magkakagusto saken? Wala rin akong pakealam.
Pagkadating ko sa bahay ay inilagay ko sa mesa ang binili ko.
Umakyat ako at kumatok sa pinto ni mama
"Mama! Miryenda tayo! Binili ko po yung paborito niyo!"
Kumatok ako ulit dahil walang sumasagot sa una kong katok.
BINABASA MO ANG
LOVE BEYOND TIME
RomansaAlara Atienza isang second year college student sa Pobienza of Carlós University. magtatapos nalang siya nang pag aaral wala parin siyang plano sa buhay. tulad na lamang ng hindi rin siya pinlano nang mga magulang niya. Kontento naman siya sa buhay...