Simula

22 1 0
                                    


Gone

"Ayan na siya! Dali!"

Narinig ko na nagsitakbuhan ang mga tao at ang media patungo sa aking direksyon para kunan ako ng pahayag tungkol sa balitang kumalat. Mas lalo kong binilisan ang lakad ko palapit sa aking sasakyan. Buong araw na akong nagkulong sa condo, umaasang lulubayan nila ako pero mukhang nagkamali ako.

Goodness. Did they stayed the whole night just for this?

Hindi nila ako pwedeng maabutan. Ayaw kong madumog dito lalo na't nag-iisa lang ako.

I should've listened to my manager and stayed inside!

Ang problema ay si Kyle, ang boyfriend ko. Mukhang naniniwala siya sa mga naririnig at kahit anong deny ko na hindi iyon totoo ayaw maniwala kaya heto't napilitan akong lumabas para lang makausap siya sa personal.

"Miss Claudia, totoo po ba ang kumakalat na chismis ngayon? Na kabit kayo ng sikat na direktor na si Richie Manalat?" diretsang tanong ng isa.

"Miss Claudia, ang sabi po ni Sir Richie ay totoong may relasyon po kayo! Statement naman po!"

Natigilan ako sa narinig.

What? Sinabi niya 'yon? Napakasinungaling ng hayop na 'yon!

I cannot contain my anger kaya kahit pinagbawalan ako ng manager kong si Sarah na magbigay ng statement ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Hindi po totoong may relasyon kami... kung ano man ang sinabi niya ay pawang kasinungalingan lang."

"Kung ganoon po ano ang totoo?" bawing tanong ng isa sa kanila.

Kinagat ko ang labi ko. Memories of what happened that night flashed in my mind like a nightmare. Sa kabila ng impluwensiya ng alak ay malinaw sa akin ang nangyari.

I was harrased! Muntik akong ma-rape at paggising ko ito na ang bumungad sa akin.

Ayaw ko ng isipin kung anuman ang posibleng nangyari sa akin kung sakaling hindi ako bumalik sa katinuan at nagkaroon ng kaunting lakas ng loob para takasan siya.

Ang problema nga lang ay nakuhanan kami ng litrato ng kung sino. Kung titingnan mo nang wala kang nalalaman, siguradong iba rin ang iisipin.

But damn it! Why is it so easy for them to judge me like this?

"No comment. You'll know soon..." I told them with my shaky voice.

Hindi madali sa akin ang nangyari. Sariwa pa ang ala-ala at hindi ko matanggap na nangyari nga iyon sakin. I knew that it was normal in the industry but never did I imagine it happening to me.

"Ma'am! We need to know!" pilit nila.

Umiling ako at sinubukang lumayo.

Bago pa man ako makasakay sa aking sasakyan. May malakas na tumama sa aking likod. Nang lingunin ko iyon, sunod sunod pa ang ibinato sa akin.

"Sinungaling. Niloloko mo si Kyle! Mangloloko ka!" galit na sigaw ng isa sa mga ito.

Agad kong namukhaan ang babae. Alam ko na isa siya sa masugid na taga-suporta ng loveteam namin ni Kyle. Palagi ko siyang nakikita sa lahat ng mallshows, movie screenings at kung ano-ano pa.

"Nagkakamali kayo! Hindi ko nga siya niloloko!" I tried to defend myself pero wala silang narinig.

Nagpatuloy ang pagbato sa akin. Nangilid ang luha ko.

I can take anything but not this. The thought of my supporters turning their back on me made my heart ache. Akala ko ba mahal nila ako at suportado? Kung ganun, why can't they believe me?

Never Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon