Kabanata 2

9 1 0
                                    


Cheater

Hindi ako pinatulog ng kaalaman na pupunta sina Mommy at Dianne sa audition ng manyak na direktor without knowing what happened to me. Gustong gusto ko silang warning-an pero alam kong kahit na ano pang sabihin ko ay hindi pa rin sila maniniwala.

I guess I am not credible enough for them, right?

Gayunpaman, kahit na nanginginig pa rin ang kalamnan ko dahil sa nangyari ay heto't nagpasya pa rin akong sumugod sa venue para sa ikatatahimik ng isip ko. Mommy won't listen to me and Dianne is not exactly friendly enough to answer my calls o baka pinagbawalan ni mommy. Who knows?

Hindi naman siguro niya gagawin ang panghaharass in public, right?

I don't really want to see the devil. I'm just here to talk to my mom and my sister. Kahit ignorahin nila ako, hindi ko pa rin maaatim kung may mangyari mang masama.

"What the hell are you doing here?" mariin ngunit pasigaw na tanong ni mommy nang mamataan ako, rinig na rinig ko ang pagtitimpi sa kaniyang boses.

"Mommy..." I called her softly.

Nilapitan niya ako bigla. Matalim ang tono.

"Bakit ka nandito? Hindi ba't sinabi kong 'wag na 'wag kang pupunta dito? Damn it! What do you want?" she fired her questions.

Sasagot sana ako nang may mga dumaang tao sa paligid namin. Agad silang nagbow ng kaunti nang makilala ako. I was nervous but I managed to smile back to them politely kaya lang mukhang hindi nagustuhan ni mommy ang tagpo.

Mas lalo lang siya nagmukhang galit sa akin.

"See that? You're ruining this moment for your sister. Hindi ka ba naawa kay Dianne? This is her big break. Pagkakataon na ito para mapansin siya ng mga tao pero bakit mukhang kontrang kontra ka at nakuha mo pang pumunta dito para magpapansin? Ganyan ka ba katakot na maagawan ka niya ng spotlight o ano?"

I bit my lip saka ako umiling.

"Mommy, hindi sa ganon. I just want to talk to you about something. This is very important." II tried to keep myself together kahit na naapektuhan ako sa pang-aakusa niya.

"Mommy? Ate Claudia?" somebody called us at nang lingunin ko ay nakita ko ang kapatid ko na mukhang galing sa isang workshop room.

Kunot ang noo niya nang makita ako.

"Ate, what are you doing here?" lito niyang tanong.

"Nothing, anak. May pinuntahan lang siya pero she's about to leave na rin. Don't worry." mommy answered for me.

"Oh, okay. Anyway, tawag na po ako ni Direk. Aren't you going to watch me?" she asked.

Ang biglang matigas na ekspresyon ni mommy para sa akin ay agad lumambot. Nakita ko kung paano kumislap sa tuwa ang kaniyang mga mata dahil sa aking kapatid. I felt a slight sting on my chest but I ignored it.

"Of course, I will! There's no way I will miss it!" she clapped her hands and turned around. Bago sila tuluyang umalis ay nagawa niya pa ulit akong bantaan sa huling beses.

"Whatever that is, it can wait. Umalis ka na dito at kapag nakita pa ulit kita, makakatikim ka sa akin."

Wala tuloy akong nagawa kundi umalis na masama ang loob sa nangyari. Parang nasayang ang pagpunta ko at mas lalo akong namroblema. Matagal na ako sa industriya and I sure made some friends pero walang kahit na isa sa kanila ang mapagsasabihan ko ng mga problema ko. I feel so alone.

Parang ang bigat bigat ng dibdib ko nitong mga nakaraang araw. Heck, I was harassed and it traumatized me kahit na sabihin wala naman masyadong nangyari but I've never told any single soul about it. I want to tell mommy, my family but she's not really interested to hear anything about me. Kahit na masaya man o itong mga masakit na ala-ala.

Never Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon