Hindi naman bestfriend o matatawag na close. Sa isang grand eyeball lang nagkakilala sina Ronnie at Froilan. Naging magkakilala at buddy buddy ng magkatabi sa upuan. Kaya sila ang madalas na nagkakausap. Hindi na nga magkahiwalay kahit sa pagpunta sa banyo. Laging ganun. Sa tuwing pareho silang nakaka punta sa mga mini eyeball, o inuman kahit saan pang sulok ng Maynila, magkasama pa nilang pupuntahan.
Froilan: May type akong chicks tol! Pero hindi ko alam kung gusto din ako!
Ronnie: Hindi ka ba nagpakita ng motibo?
Froilan: Wala sa atin ang gumagawa ng first move, Pare!
Biglang naibalik ng Ronnie ang hawak na kahon sa bagpack ng marinig ang sinabi ng kaibigan.
Ronnie: Oo naman! Wala sa atin ang gumagawa ng first move!
Froilan. Nung sinayawan ka nung babae kanina, sana nagpapilit ka man lang!
Ronnie: Walang kaso sa akin yun!
Nilapit ni Froilan ang mukha nito sa mukha ng kaibigan. Parang gustong iiwas ni Ronnie ang mukha niya pero hinawakan siya sa magkabilang balikat ng kaibigan kaya wala siyang palag.
Froilan: Mas lamang ka lang sa akin ng ilang butil ng pulbo sa mukha! Pero mas gwapo ako sayo, Pare!
Natawa doon sa biro si Ronnie. Akala niya ay kung anong gagawin na ng kaibigan.
--continue in next page--
Please add, follow or vote. Thanks :)