Basted ni Pare

855 12 0
                                    

Ang akala ni Ronnie ay hindi sa puwesto nila ang naririnig niyang ingay na parang may gulo. Nagulat nalang siya ng makitang inaawat ng bouncer si Froilan at isang lalake.

May dugo sa gilid ng labi nito.

Mabilis itong nilapitan ni Ronnie at hinila palabas ng lugar na yun ang kaibigan.

Ronnie: Anong dahilan?

Froilan: Babae! Ano pa ba!

Natigilan doon si Ronnie.

Binitawan niya ang hawak na braso ng kaibigan.

Ronnie: Lagi ka bang makikipag away dahil sa babae!?

Pinunasan ni Froilan ang dugo sa gilid ng labi niya. Ang labing gustong angkinin ni Ronnie kung may pagkakataon lamang siya.

Froilan: Ano bang klaseng tanong yan?!

Hindi alam ni Ronnie ang nararamdaman sa oras na yun.

O dahil may epekto na ang nainom niyang alak sa pag iisip niya.

Ronnie: Pag ako ba ang dahilan, makikipag away ka din ba?

Natawa doon si Froilan. Hindi na mababawi pa ni Ronnie ang sinabi niya.

Froilan: Hindi ka naman chicks, Pare!

Katahimikan.

Ilang sandali pa, namalayan na lamang ni Froilan na naglalakad na palayo ang kaibigan.

Froilan: Saan ka pupunta? Bumalik tayo doon!

Ronnie: Magkakainitan lang kayo dun! Masasaktan ka na naman!

Froilan: Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko!

Hinawakan ni Ronnie ang isang kamay ng kaibigan at nilagay sa dibdib niya.

Froilan: Anong ginagawa mo?!

Matagal bago nakasagot si Ronnie sa tanong na yun. Pinaramdam niya sa kaibigan ang pagtibok ng puso niya sa kanyang dibdib.

Ronnie: Gusto kita!

Napaarko ang mga kilay ni Froilan. Lalong sumingkit ang mga mata nito sa narinig.

Froilan: Ha?

Umaasa si Froilan na mali ang una niyang pagkakarinig sa sinabi ng kaibigan.

Ronnie: May gusto ako sayo!

Biglang binawi ni Froilan ang kamay niya dito.

Kung nakakatunaw lang ang mga tingin, siguro ay lusaw na si Ronnie.

--continue in next page--

Please add, follow or vote. Thanks.

Basted ni PareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon