Basted ni Pare

791 14 0
                                    

Froilan: Ano bang sinasabi mo?

Matagal bago muling nagawang tingnan ni Ronnie ang naguluhang kaibigan.

Ronnie: Bigla ko nalang naramdaman na gusto na pala kita!

Biglang naramdaman ni Ronnie ang pagtulak tulak sa kanya ng kaibigan.

Froilan: Huwag mong sabihing bakla ka?! Oh come on! Biro ba yan? Hindi ako natutuwa!

Tumango doon si Ronnie.

Napapailing na umatras dito si Froilan. Kaibigan niyang matalik ang taong yun. Mas masasaktan siya kung masasaktan ito sa kaya niyang gawin dito.

Froilan: Umuwi na tayo!

Ronnie: Froi...

Froilan: Umuwi na tayo! Kailangan natin magpahinga! Baka may epekto lang ang alak sa pag iisip natin!

Ronnie: Froi...

Nauna nang tumalikod si Froilan sa kaibigan.

Froilan: Hindi tayo talo, Ron...

Ronnie: Gusto kong pakinggan mo ang paliwanag ko!

Froilan: Ano bang dapat kong pakinggan? Ano pa bang dapat kong malaman?

Ramdam ni Ronnie ang bigat sa mga narinig mula sa kaibigan.

Ganun lang kadali. Nang dahil sa may nararamdaman siya para dito at nalaman pa nito, marami ng magbabago sa pagitan nilang dalawa.

Ronnie: Nagagalit ka ba sa akin? Dahil nalaman mong ganito ako? Dahil bakla ako?!

Nilapitan ni Froilan ang kaibigan. Nandun ang pilit niyang pag unawa sa pagkatao nito.

Froilan: Mahal kita Ron! Higit sa inaakala mo! Pero bilang malapit na kaibigan! Halos kapatid!

Ronnie: Pero biglang nagbago? Dahil iniisip mo na pinagnanasahan kita? Pinagpapantasyahan! Gustong makaisa sayo? Yun ba ang iniisip mo ngayon sa akin?!

Froilan: Bull shit! Hindi normal ang pag iisip ko ngayon! Umuwi na tayo! Please!

Ramdam ni Ronnie. Na may ilang na siyang hawakan o akbayan ng kaibigan, gaya ng ginagawa nito dati.

---continue in next page---

Please add, follow or vote.
Salamat ka bromansahan ;)

Basted ni PareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon