Ramdam ni Ronnie ang pagbabago sa pakikitungo sa kanya ng kaibigan.
Lumalabas o gumigimik na ito, kasama ang iba. Madalas, sa ibang grupo na ito sumasama.
Wala na ring mga miss calls o text messages na natatanggap dito si Ronnie. At nasasaktan siya. Pero anong karapatan niya para maramdaman yun.
Sa pag iwas ni Froilan sa kaibigan, naisip ni Ronnie na mailap ang pagkakataon para magkausap sila nito.
Nakamasid. Nakatingin. Yun lamang ang tanging nagagawa ni Ronnie.
Gustong gusto ni Froilan na lapitan ang kaibigan, pero naroon pa rin ang pagkailang niya dito. Hindi dahil sa bakla ito o ano pa man, kundi paano magsisimula ang pag aayos nila.
Putok ang gilid ng labi ni Ronnie ng umawat siya away. Si Froilan ang nagbigay sa kanya nun. Napaaway na naman kasi ito.
Natatarantang nilapitan ni Froilan ang kaibigan. Parang nawala ang kalasingan niya ng makita ang dugo sa labi ng kaibigan.
Froilan: Bakit ka kasi umawat?!
Ronnie: Eh di lalo kang napahamak!
Froilan: Hindi ka na dapat nange alam!
Ronnie: Hindi ko kaya!
Katahimikan. Kalmado na si Froilan. Tiningnan nito ang nakayukong kaibigan.
Froilan: Bakit hindi mo pinigilan? Pinigilan ang sarili mong magustuhan ako? Alam mong masisira ang pagkakaibigan natin!
Nakuha ni Ronnie ang ibig sabihin ng kaibigan.
Ronnie: Tao lang din ako Froilan! Hindi ko kayang pigilan kung yun talaga yung mararamdaman ko!
Froilan: Ron! Kapatid kita halos tinuring! Laki ng pagtitiwala ko sayo!
Ronnie: Yung damdamin ko lang naman ang nagbago eh! Hindi ko hinihiling na maging ganun din ang damdamin mo para sa akin!
Hindi napigilan ni Froilan ang sarili na hilain at yakapin ang kaibigan.
Froilan: Huwag mo ng uulitin yun ha! Ang umawat para lang iligtas ako!
Iba ang sagot sa tanong. Pero malinaw kay Ronnie ang lahat, yung pag aalala ng kaibigan niya, ay pagmamahal ng isang tunay na pagkakaibigan lamang.
Ronnie: Kung liligawan ba kita, may pag asa ba ako?
Nilayo ni Froilan ang sarili dito. Nakasingkit ang mga mata.
Froilan: Seryoso ka ba?
Ronnie: Sana!
Froilan: Sorry! Mas type ko si Piolo Pascual!
Ronnie: Ganun!
Muling niyakap ni Ronnie ang kaibigan. Sobrang nasabik siya dito. Ano pa man ang nangyari, ang mahalaga, ang maging ok sila ng kaibigan.
---end---
Please add, follow or vote.
Salamat ka bromansahan :)