Kung babasahin ang motto sa buhay ni Froilan sa isang account nito sa social network app, nakalagay dito ang " sorry girls, no string attach. ".
Pero hilig talaga nito ang mangulekta ng mga babae. Flirt doon. Mingle doon. Madalas, si Ronnie pa ang tulay para makapang babae lang ang kaibigan nito.
Walang bakante ika nga. Kada uwi nila, mula sa gimikan, may kasama ito sa inuuwian.
Minsan, pinagsasabihan ni Ronnie pero pinagtatalunan lang nila yun. Kaya tahimik nalang si Ronnie.
Froilan: Yung mga nilagay mo sa donation box, bakit parang mga bagay na gusto ko o mga nakuwento ko sayo na sana magkaroon ako?
Ronnie: Ha? Baka nagkataon lang!
Froilan: Ikaw ha! Duda na ako sayo! Huwag ganun!
Ronnie: Wala namang masama di ba?
Froilan: Wala naman! Nakakapagtaka lang kasi!
Naniwala naman doon ang kaibigan sa tingin ni Ronnie.
Pero hindi niya yun maitatago dahil sa madalas na pagtatanong ng kaibigan.
Froilan: May gusto ka bang sabihin sa akin?
Ronnie: Wala naman!
Froilan: Sigurado ka?!
Ronnie: Oo nga!
Froilan: Hindi ako magagalit, promise!
Ngiti lamang ang sinagot dito ni Ronnie.
Sinundan lamang ng tingin ni Froilan ang bawat galaw ng kaibigan. Lately, napapansin niya na lagi itong nakangiti kahit pagod mula sa trabaho. Parang laging masaya sa tuwing magkasama sila.
--continue in next page--
Please add, follow or vote. Thanks.