🌼 1

23 3 0
                                    

5 years later

Ipinatong ko ang isang kapiraso ng white rose sa puntod nya saka marahang hinimas iyun. Napangiti na lamang ako ng mapait nang bumalik saakin ang mga alaala namin noon.

"Mommy sino po ang taong yan?"

Napatingin ako sa aking anak na inosenteng nakatingin saakin habang nakakunot ang noo. Kamukhang kamuka nya talaga ang daddy nya eh.

"Siya ang daddy mo Oliver,"

"May daddy na po ako, si daddy Nick.."

"Siya ang tunay mong daddy," sabi ko at muling tumingin sa puntod.

Zack Aizer Arellano

Yan ang nakalagay na pangalan sa puntod nya.

Mababasa sa ekspresyon ng anak ko ang pagkagulat. Alam kung naguguluhan sya sa oras na ito.

Napag-buntong hininga na lamang ako, itinago ko ito sa kaniya sa loob ng maraming taon kasi nung mga panahon iyun ay masyado pa syang Bata. Pero sa pagdaan ng panahon ay narealize ko na kailangan nya din malaman ito. Alam kung mahirap tangggpin sa umpisa pero makakayanan din ito ng anak ko.

"K-Kung ganun po, patay na ang d-daddy ko?" Parang hindi sya makapaniwala.

"Bakit?.. b-bakit ngayon ninyo lang po sinabi sakin ito?" Puno ng hinanakit ang kaniyang salita.

"I-I'm sorry anak.."

Tinakpan nito ang mukha nya gamit ang malilit nyang kamay. Saka nagsimulang humikbi, napaupo na ito sa lupa. Paulit ulit nitong tinatawag ang daddy nya. Hindi ko na din napigilan ang sarili ko ay kusa ng tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Niyakap ko na lamang sya ng mahigpit.

Parang dinudurog ang puso ko habang nakikitang nasasaktan ang anak ko. Parang bumabalik sakin ang sakit nung nakaraan. Yung nakaraan na pilit kong ibinabaon sa limot.

Hinayaan ko lamang ang anak ko na umiyak. Gusto kong iparamdam sa kaniya na hindi sya nag-iisa.

Saan nga ba nagsimula ang lahat?...


5 years ago..

"Love.."

Mula sa phone na hawak ko ay nalipat ang aking tingin kay Zack na nakaupo sa hospital bed. Nakatingin ito saakin ngayon.

"Yes love, may kailangan ka?" Tanong ko

Tumingin ito sa may bintana at ibinalik ang tingin sakin. Ngumiti sya ng marahan.

"Gusto kong magpahangin, pwede ba tayo lumabas saglit?"

Sinulyapan ko ang oras sa phone ko. 10:46 na ng gabi. Malalim na pala ang Gabi, hindi ko man lang namalayan.

"Malalim na ang gabi Zack.." sabi ko at umiling sa kaniya.

"Sige na Elle, sa may garden lang naman. saka saglit lang tayo." Pamimilit pa nito

"Pero-" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil nakita ko ang nagpapaawa nyang mukha.

Bumuntong hininga ako saka pumayag. Lumabas ako saglit para kumuha ng wheelchair saka bumalik ulit sa loob ng kwarto. Tinulungan ko syang makatayo mula sa kama at marahang inupo sa upuan. Inayos ko din ang dextrose na nakakabit sa kaniya. Saka ko sya inilabas.

Simula kasi nang maconfine sya sa hospital ay nagsimulang manghina na sya hanggang sa hirap na maglakad at makatayo. Dalawang buwan na rin simula ng malaman namin na meron syang brain cancer.

Mahirap tanggapin ang ganung bagay pero wala kaming magagawa.

---
Andito na kami sa labas ng hospital kung saan ang garden. Tahimik ang paligid, kami na lamang ang tao dito. Ang nagsisilbing liwanag ay ang liwanag ng buwan, makikita din sa kalagitnaaan ang ang nagkikinangan na bituin.

Payapa namin pinagmasdan ang paligid. Pareho lang kami walang imik. Kanina ko pa sya pinapakiramdaman, dahil parang ang layo ng isipan nito.

"Elle..." mahinang sambit nya

Sa wakas sya rin ang bumasag sa katahimikan. Nanatili ang tingin nito sa malayo.

"Bakit?"

"Sa tingin mo kung wala ako nitong sakit, ano Kaya, nasaan kaya tayo ngayon?"

"I think nasa condo mo tayong dalawa nanood ng tv I guess?"

Tumango tango ito sa sagot ko. Muling nagahari ang katahimikan saamin. Kahit ako din ang napaisip sa sinabi nya, siguro kung hindi sya nagkacancer ay nagtatrabaho na Siya.

"Elle salamat,.. salamat sa lahat.."

Napangiti ako sa sinabi nya. Ramdam ko ang sinseredad sa kaniyang boses.

"Ikaw yung lakas ko, kayo ni Chloe ang lakas ko kung bakit ako lumalaban."

Medyo natigilan ako sa sunod nyang sinabi. Napayuko na lamang ako dahil sa biglang naalala nang mabanggit nya ang katagang lakas.. Kasi..alam kong nagpapanggap lang si Zack na malakas sa harapan namin pero tuwing hating gabing natutulog na ang lahat ay nakikita at naririnig ko syang tahimik na dumadaing sa sakit. Hindi ko alam kung gaano na kalala ang sakit ng boyfriend ko.

Masakit para saakin na nakikita na naghihirap sya mag Isa. At ang mas masakit pa ay pilit nya itong itinatago saamin para hindi na kami mag alala kahit ang katumbas nun ay sasarilihin nya ang lahat.

"Z-Zack..alam kong nahihirapan ka,...hindi mo yun kailangan itago sakin, saamin.."

"I'm sorry Love.." hinawakan nya ang aking kamay saka marahang hinimas.

"Pero Elle, ayoko na itong harapin mag Isa. Kasi pwede naman ito nating harapin magkasama eh." Pagpapatuloy nya

"Ha?"

Ngumiti lang ito at hindi sinagot ang tanong ko. ibig ba nyang sabihin ay hindi na nya itatago saakin ang nararamdaman nyang sakit? Hindi pa man nasasagot ang aking katanungan ay nabigla ako nang biglang tumayo si Zack mula sa wheelchair, kaya nataranta akong inalalayan sya.

"Zack!"

"Ayos lang Elle,"

Inalis nya yung kamay Kong nakaalalay sa braso nya at dahan dahan humarap sakin.

"Kung sakaling magtagumpay ang operasyon, may gusto ako hilingin.."

"A-Ano yun?"

Nanlaki ang aking mata nang dahan-dahan syang lumuhod sa harapan ko. May kinuha sya mula sa bulsa ng kaniyang jacket. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita na isa yung itim na maliit na box. Dahil may ideya na ako kung anong laman nun.

Inoffer ni Zack ito sa harapan ko at saka binuksan. Tama nga ang aking hinala, isa yung singsing. Isang silver ring na may disenyo.

"Za-Zack..."

"Kung sakaling magtagumpay ang operasyon,..Elle magpakasal na tayo. Ayoko ng maghintay pa ng ilang taon."

Namuo saaking mata ang mga luha. Hindi ko aakalaing gagawin niya ito ngayon. Sa panahon pa ng nasa pagsubok kami.

Mabilis ko syang pinantayan at niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko din ang pagyakap nya saakin pabalik.

"Mahal na mahal kita Zack.."

Naramdaman ko ang marahan nyang paghaplos saakin likuran.

"Mahal na mahal din kita Elle.."

Nanatili kami sa ganun posisyon hanggang sa bumitaw na kami sa pagkayakap. Tinignan nya ako sa mata, kitang kita ko ang tubig sa mata nya na nagbabadyang lumabas anumang oras.

"Malalampasan natin ito, lalaban tayo."

Tumango ako sakaniya. Ngumiti sya saka hinawakan ang aking pisngi. Dahan dahan naglapit ang aming mukha hanggang sa maglapat ang aming mga labi. Napapikit na lamang ako, naramdaman ko ang luhang tumulo sakaniyang mata.

Masayang masaya ako sa pagkakataong ito, sanay hindi na magwakas.

To be continued...

Scars of Love [Short Story]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon