🌼 5 Last

9 2 0
                                    

"It's time para palayain na kita. Oras na ito para itigil mo na ang pagiging ama kay Zach."

"Elle hindi kita maintindihan."

"Nick naging mabuting ama ka kay Zach. Naging mabuti ka rin sakin sa loob ng limang taon at labis akong nagpapasalamat dahil dun. Pero... kasi sa tingin ko dapat na kitang pakawalan, Nick may naghihintay parin sayo hanggang ngayon."

"Elle mahal Kita, hindi mo ba maintindihan yun?"

"Hindi Nick..hindi mo ako Mahal. Awa lang ang nararamdaman mo para sakin kasi nawalan ako ng minamahal. Natatakot kang iwan kami ng anak ko kasi akala mo responsibilidad mo kami, Nick hindi mo kailangan gawin yun.maayos na rin naman ako eh...kami.."

Napayuko ulit sya dahil sa sinabi ko. Ang mga sinabi ko, lahat yun totoo. Sa loob ng limang taon na nakasama namin sya ng anak ko, nakita ko kung paano sya mag alaga. Kung pano niya kami ingatan. Kaya hindi ako magtataka kung nahulog sa kaniya si Chloe. Kung hindi niya siguro kami nakilala ng anak ko, si Chloe ang pagtutunan niya ng oras.

Flashback:

Mabilis kong pinahiran ang mga luha na umaagos sa aking pisngi at itinupi ang halos mapunit ng sulat ni Zack sakin nang may marinig na boses ng tao na sumisigaw.

Lumabas ako nang kwarto at pumunta sa Sala. Andun pala nanggagaling ang ingay.

"Ano ba bitiwan mo ko!"

"Chloe sandali lang, lasing ka na!"

Nakita ko si Chloe na akay akay ng isang lalaki. Nakasuporta ito dahil halatang nanghihina na si Chloe. Nagpupumiglas sya sa pagkakahawak ng binata, nang makawala ay nagulat ako nang simulang basagin at guluhin ni Chloe ang mga gamit na mahawakan niya.

"Chloe tama na!" Sinubukan siyang pigilan ng lalaki pero ayaw niyang magpaawat.

"Ano ba wag kang makialam! Nag eenjoy pa ako eh! Hahaha."

Sumigaw ng sumigaw si Chloe hanggang sa napaupo na lang ito sa sahig at nagsimulang umiyak.

"Bakit! Bakit yung kuya ko pa?! Ang daya daya niya! Dapat sinama na niya ako kung pupunta na siya sa kabilang buhay. Gusto ko na lang din mamatay!"

Napatakip na lang ako ng bibig dahil sa nasaksihan. Ramdam na ramdam ko ngayon yung sakit na nadarama ng kapatid ni Zack. Hindi lang ako ang nasasaktan, marami. Kahit ilang beses kong punasan ang aking mga luha may panibago na namang lalabas.

Gulong gulo ang buhok ni Chloe, ang itim na ng eye bags niya. Yung suot niya, dati pa yun nung huli ko siyang nakita. Napabayaan niya ang sarili niya.

Namalayan ko na lang natutulog na si Chloe sa sahig napagod kitang kita ko kung gaano siya kapagod. Binuhat siya ng lalaki, nagulat ito nang makita ako. Bumukas ang labi niya kaya lang walang lumabas na boses doon.

"D-Dito mo siya sa kwarto ihiga." Sabi ko at pinasunod siya.

"S-Sige..."

Sumunod nga siya hanggang kwarto ni Zack. Maingat na inilapag si Chloe doon saka kinomutan.

------

Matapos nun ay pinasunod ko siya hanggang sa rooftop ng building. Binigayan  Ng kape saka umupo sa tabi niya.

Pinagmasdan ko lang ang mga building na matataas at makukulay. Ang lamig din ng panahon ngayon, gustong gusto ko kapag ganito ang panahon.

"Uhm miss pwede magtanong?"

"Sure."

"Sino ka?"

"Fiance ako ng kuya ni Chloe."

"I'm sorry to hear that."

"Nag sosorry ka ba dahil ako yung fiance ng namatay?"

"Nag sorry ako dahil dapat hindi na ako nagtanong pa. Alam kong hindi ka okay ngayon."

"Wala akong pakialam sa nararamdaman ko ngayon na sakit, saakin naman yun eh. Alam mo kung kanino ako may pakialam? Sa nararamdaman ng kapatid ni Zack at sa mararamdaman ng batang nasa sinapupunan ko."

Kita kong nagulat siya sa sinabi ko.Sa pagkakataong ito, muling pumatak ang mga luha sa mata ko.

"Nag aalala ako kay Chloe dahil wala ng kuyang magmamahal sa kaniya. Natatakot ako na lumaki ang anak ko na maging uhaw sa pagmamahal ng isang ama."

End of Flashback:

"Natatandaan ko noon na sinabi ko sayo na natatakot ako na lumaki ang anak ko na maging uhaw sa pagmamahal ng isang ama...Nick, sa tingin ko ginawa mo ang lahat ng ito dahil sa sinabi ko."

"Elle totoong minahal Kita."

"Minahal? Kung totoo man yun hindi yun katulad ng pagmamahal mo kay Chloe. Puntahan mo na siya naghihintay sya sayo." Sabi ko at saka tumingin sa malayo kung saan nakatayo si Chloe. Nang makita niya ako ay pilit siyang ngumiti sakin.

Sinundan naman ng tingin ni Nick kung saan ako nakatingin.

"Sige puntahan mo na, baka ito na ang huling pagkakataon mo."

"I'm sorry Elle."

"Don't be sorry....."

Nang sabihin ko yun ay ngumiti siya sakin saka naglakad papalayo. Sa wakas, nasa Tama na ba ang lahat?

-------

After that incident, parang nakahinga ako ng maluwag. Hindi na ako nagulat nang mabalitaan kong engaged na sina Nick at Chloe after only a few months. At saka nagpakasal silang dalawa.

Kami ng anak ko? Masaya kami. Sa tingin ko hindi ko na kailangan ng asawa. Masaya na kami ng anak ko, hindi na naghahanap ng pagmamahal ng ama ang anak ko dahil kuntento na daw siya sa akin.

Sa ngayon, wala na akong mahihiling pa. Si Zack, nasaan man siya ngayon. Sana masaya siya.

Ako si Elle Santiago at dito nagtatapos ang aking kwento....

Scars of Love [Short Story]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon