🌼 3

7 2 0
                                    

"Zack Aizer Arellano.. time of death, 9: 48 am.."

"Zack Aizer Arellano.. time of death, 9: 48 am.."

"Zack Aizer Arellano.. time of death, 9: 48 am.."

"Zack Aizer Arellano.. time of death, 9: 48 am.."

Tila nag paulit-ulit sa aking tenga ang sinabi nung doktor. Parang nabingi rin ako at yun lamang ang aking tanging narinig.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa lugar na iyun. Napatulala lamang din ako sa kawalan. Hindi..hindi ito maaari, hindi ito pwedeng mangyari.

Ano ng gagawin ko ngayon?

Hanggang sa narinig ko ang mahinang hikbi ni Chloe. Dahil dun ay bumuhos na din ang luha na kanina pa gustong lumabas sa aking mga mata.

"K-Kuya.. h-hindi kuya...bakit..?!"

Nang marinig ko ang hagulhol ni Chloe ay natauhan ako bigla. Hindi pwedeng ganito ganito na lamang ang lahat, kailangan may gawin ako.

Mula sa pagkakasalampak sa sahig ay mabilis akong tumayo at lumapit sa Doktor. Mabilis ko syang kinuwelyuhan saka tinignan ng napakatalim. Mukhang nagulat ang lahat sa ginawa ko, kahit yung doktor.

"Doktor ka diba?! Kung ganun iligtas mo si Zack! Hindi sya pwedeng mamatay!"sigaw ko sa pagmumukha niya.

"Miss tama na!" Sinubukan akong pigilan ng mga nurses pero hindi ako nagpatinag.

"Si Zack, hindi sya pwedeng mamatay! Iligtas mo sya please!" Napahikbi na lang ako habang hawak pa rin sya sa kwelyo. Nang hindi na nakayanan ng mga tuhod ko ay binitiwan ko na sya at napaupo ulit sa sahig.

"I'm sorry miss kung hindi naging maganda ang kinalabasan ng operasyon. Ginawa namin ang lahat ng makakaya namin. Choice ng nobyo mo na itago ito sayo at magpa opera nang maaga...sana maintindihan mo Yun."

Pagkatapos sabihin yun ng doktor ay umalis na sila. Ako naman na napatulala na lamang sa kawalan habang lumuluha. Bakit... bakit kaya nangyari ito?

Namalayan ko na lang na niyayakap na ako ni Chloe. Paulit ulit itong humihingi ng tawad sakin.

"At-te sorry...s-sorry..dapat sinabi ko na sayo noon pa ang plano ni K-Kuya. P-Patawarin mo ako ate, kasalanan ko lahat.. S-sorry..."

Wala akong nagawa kundi yakapin siya pabalik at haplosin nang marahan ang kaniyang likuran. Kahit nakaramdam ako ng galit sa kaniya ay naiintindihan ko sya. Alam ko rin na hindi madali para sa kaniya ang nangyari.

Pareho kami ngayon nawalan ng mahal sa Buhay. Kami rin naman ang magdadamayang dalawa.

--------

Maraming nakiramay sa pagkamatay ni Zack. Yung mga kapamilya nila na nasa malalayong lugar ang umuwi para lang makiramay. Yung mga tito't tita nila sige lang sa iyak sa may kabaong ni Zack.

Ako na nakatulala lamang sa may kabaong niya na nasa harapan ko. Tinitignan ko yung malaking larawan niya na nasa gitna, ang laki ng ngiti niya sa larawan.

Wala ako sa sarili ng ilang araw. Yung mga kamag anak ni Zack dinadamayan ako, alam daw nila ang nararamdaman ko ngayon pero nagsisingungaling ako palagi at sinasabing ayos lang ako.

Kapag kakain ako ay bigla bigla na lamang akong luluha hanggang sa humagulhol. Paulit ulit na tinatanong kung bakit nangyari ito? Bakit si Zack pa? Bakit ang taong mahal ko pa? Bakit hindi na lang hinayaan na makasama namin ng matagal si Zack? Bakit hindi man lang hinayaan na makita't makasama ng anak namin sya? Bakit ganun? Paulit ulit ko rin tinatanong kung paano ako magpapatuloy? Kami?

Scars of Love [Short Story]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon