🌼 2

6 2 0
                                    

Tama nga ang sinasabi nila, kapag may nangyaring masaya o maganda, ang kasunod nito ay malungkot at hindi magandang mangyayari. Katulad na lamang ng nangyayari saamin ngayon.

Nang mga sumunod na araw ay mas lalong lumala ang sakit na dinaramdam ng taong mahal ko.

Kung noon ay naitatago pa niya saakin o saamin ang sakit nya, ngayon hindi na. Kaya hindi ko maiwasang matakot. Sobrang nadudurog ang puso ko kapag nakita syang nahihirapan tapos wala man lang akong magawa. Nasasaktan ako ng sobra para sa kalagayan nya ngayon..

"E-Elle, pwedeng lumabas ka muna? I-I mean pwedeng bilhan mo muna ako ng m-makakain?" Sabi nito saakin saka nag iwas ng tingin. Kakaiba ang ikinikilos nya ngayong araw. Kanina pa sya pasilip silip sa orasan na tila may hinihintay.

"Ha?" Yun na lamang ang nasambit ko

Nagtataka talaga ako sa inaasta nya. Kakatapos lang ng Examination ni Zack, nandito na ulit kami sa kwarto nya. Ang sabi ng doktor ay  sa susunod na linggo na raw ang operasyon ni Zack.

Kahit may mga masamang balita na dumating ay meron din magandang balita. 87% percent daw ang magiging successful ang operasyon. Mabuti din dahil sa araw na ito ay walang sumasakit kay Zack.

"Ah kasi nagugutom ako Elle.."

"Sige magpapadeliver ako,"

"Hindi! Bilhan mo na lang ako sa labas ng street foods."

Nagulat ako sa pagbiglang sigaw nya, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa oras na ito.

"P-Pero sinong magbabantay sayo? At  saka pwede ba sayo ang ganung pagkain?"

"Darating na din si Chloe, saka Elle minsan lang ako kakain nun, S-Sige na"

Yan na naman ang mukha at boses nyang nagpapaawa. Wala akong laban sa kaniya kapag ganun sya eh.

Huminga muna ako ng malalim bago ngumiti sa kaniya at tumango.

"S-Sige aalis muna ako saglit ah,"

Lumapit ako dito saka sya hinalikan sa may noo. Aalis na sana ako kaya lang nagulat ako nang yakapin ako ni Zack mula sa bewang ng mahigpit.

"Elle.."

"O-Oh?"

"Wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita. Mag iingat ka palagi.." malumanay na saad nya

"S-Sige.." pinilit kong ngumiti bago umalis.

----

Pagkatapos kong makabili ng pagkain ni Zack ay napag pasyahan kong bumalik agad. Habang naglalakad pabalik ng hospital ay nag beep ang phone ko. Napatigil ako sa paglalakad at inilabas mula sa bag yung phone.

Pagtingin ko ay si Chloe pala, ang nag iisang nakababatang kapatid ni Zack. Nag text sya sakin, wag na daw akong mag alala dahil nasa ospital na raw sya at binabantayan ang kuya nya.

Nakahinga ako ng maluwag ng dahil dun. Muli kong ibinalik sa bag yung phone ko saka nagpatuloy sa paglalakad kaya lang hindi pa man ako nakakalakad ay may nakabanggaan ako.

Napaupo sa sahig yung lola na nabangga ko. Pati yun mga gamit nya ay nahulog din sa sahig.

"Ay Lola pasensya na po," pahingi ko ng paumanhin saka sya tinulungan tumayo.

"Ayos lang ineng,"

"Ito po pala mga gamit ninyo,"

Ibinigay ko sa kaniya yung mga dala nyang nahulog kanina.

"Ah oo salamat, sya nga pala ineng mag iingat ka palagi.."

"Opo-" napatigil ako sa pagsasalita ng marinig iyun sa kaniya.

Saka may boses akong naalala.

"Wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita. Mag iingat ka palagi.."

Ilang segundo ko inintindi yung mga sinabi ni Zack sakin kanina hanggang sa maintindihan ko ito. Nabitawan ko yung supot na may laman ng pagkain.

Ewan ko bigla na lamang ako kinabahan kaya dali-dali akong tumakbo. Parang may ideya kasing pumasok sa isip ko, halo halo ang nararamdaman ko sa oras na ito. Basta alam kong takot at kaba ang kabilang doon.

Narinig kong tinawag ako nung Lola pero hindi na ako lumingon. Gusto kong makasiguro sa mga iniisip ko ngayon. Anong bang ibig sabihin ni Zack sa sinabi nya bago ako umalis?

Pagkarating ko sa ospital ay pumunta agad ako sa kwarto nya. Binuksan ko ang pinto at tumambad sakin ang blangkong kwarto.

Kaya tumakbo ulit ako para hanapin sila. Hinanap ko sila sa mga pasyenteng dumaan pero hindi ko sila nakita. Dumaaan din ako sa garden ng ospital, kung saan saan ako pumunta, nilibot ko na ang buong ospital pero hindi ko pa rin sila nakita.

Hanggang sa napatigil ako sa pagtakbo nang tumapat na ako sa may operating room. Nakita ko dun si Chloe na nakaupo at nakaupo lamang sa may waiting area.

Dahan dahan akong lumapit dito, bawat hakbang na ginagawa ko ay mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko.

Nang tumapat ako sa kaniya ay mabilis nitong iniangat ang tingin sakin, mukhang nagulat sa nang makita ako. Kaya tumayo agad sya.

"A-Ate.." may bahid ng pangamba ang boses nya.

"Bakit..bakit ka nandito?" Walang buhay na tanong ko dito. Kahit sa isip isip ko ay alam ko na ang sagot, mas lalong kumirot ang puso ko.

"Ate..k-kase ano.."

"Sabihin mo sakin Chloe..." Nakikiusap na sambit ko dito saka hinawakan sya sa magkabilang balikat.

Naghintay ako ng sagot mula sa kaniya pero wala syang sinagot.

"Si Zack...asan ang kuya mo?"

"N-Nasa operating room sya A-Ate.."

"Bakit..bakit hindi ninyo sinabi sakin?! Bakit hindi ninyo sinabi sakin na ngayong araw si Zack ooperahan?!"

Bakit nga ba hindi ko alam? Eh ako yung araw at gabi bumabantay sa kaniya?

"I-I'm sorry..p-pero wag kang mag alala, magiging ayos lang si kuya.."

"Papano kung Hindi?!"

Natikom nito ang bibig. Napailing na lamang ako at napasabunot sa sariling buhok. Sinulyapan ko yung loob ng operating room, busy yung mga doktor sa pag oopera sa kaniya.

Basta na lamang tumulo yung mga luha sa mata ko. Please lang Zack, lumaban ka...wag kang bibitiw, alalahanin mong may mga naghihintay pa sayo. Kabilang na dun ako at ang magiging baby natin...

Napahawak na lang ako sa may bandang tyan ko at biglang napaupo sa sahig. Mabilis akong dinaluhan ni Chloe.

Ilang segundo kaming nasa ganoong posisyon ng bigla kaming marinig na tunog ng kung ano sa loob ng OR, napansin din namin ang pagkataranta ng mga nasa loob.

Teka anong nangyayari? Mabilis akong tumayo at lalapit sana dun kaya lang pinigilan ako nung dalawang nurse.

"Anong nangyari?! Bitiwan ninyo ako! Ano ba!"

"Ma'am hindi po kayo pwede dito,"

"Si Zack, ano ng nangyari sa kaniya?!"

"Inooperahan pa po sya, kumalma lang po kayo."

"Kumalma?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo?! Nasa bingit na ng kamatayan ang taong mahal ko tapos kakalma lang ako?!"

"A-Ate.." sinubukan din akong pakalmahin ni Chloe pero walang talab iyun. Hindi ko kayang kumalma sa oras na ito.

Zack! Lumaban ka Zack! Pakiusap!..

Susubukan ko sana ulit pumasok doon kaya lang ito na mismo ang bumukas. Yung mga nurse at doktor ito. Mabilis akong lumapit dito.

"Si Zack?! A-Ayos na ba sya?" Halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses ko ngayon.

"I'm sorry miss pero ginawa na namin ang lahat.." napalunok ito bago nagsalitang muli.

"Zack Aizer Arellano.. time of death, 9: 48 am.."

At dun na gumuho ang mundo ko...

To be continued...

Scars of Love [Short Story]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon