50. notes

37 5 1
                                    

50. notes

Title
December 9, 2022 - 4:17AM

     Ayaw ko nang maalala. Ayaw ko nang maisip pa ulit ’yung mga nangyari before. Kasi kapag naalala ko ’yon, bumabalik ’yung mga tanong sa isip ko. Malinaw sa isip ko kung paano ako umiyak during those times. ’Yung feeling, malinaw na malinaw pa rin. Mabigat sa dibdib. Ibang klase. At this point kapag naaalala ko ’yon, sinasabi ko “gan’on pala ’yung feeling ng heartbreak.” Para kang sinasakal. Kapag pinipigilan mong maiyak on certain moments, nagtataasan ’yung mga balahibo mo sa braso.

     Dala-dala mo ’yung mga tanong. Mga tanong na gusto mong mabigyan ng kasagutan pero nowhere to be found ’yung kailangang sumagot. Kaya imbis na siya ang tanungin mo, gumawa ka sa sarili mong isip ng mga sagot . . .

     Gan’on ang nangyari.

     Iyon ang rason.

     It's what urged you to lose your sanity. And what it caused you? Dismantled confidence. Those were the times where I started to hate myself. Kasi pakiramdam ko, ang tanga-tanga ko. Na ang uto-uto ko para magpaloko sa kaniya. Miski sarili kong reflection ayaw kong makikita sa salamin dahil evident kung paano ako kaapektado sa mga nangyari. While there's him, probably back on his life and doing things he ought to do. Parang walang nangyari. Pero sa ’kin? Sobra ang nangyari.

     Kaya kung magpapaliwanag man siya. Or ilalaban niya sarili niya. Ayaw ko na lang din marinig. Ayaw ko nang malaman ’yung mga dahilan niya kung bakit siya umalis that time. Ayaw ko na lang din gumawa ng mga bagong scenario sa utak ko. Tapos na, eh. Tapos na ’yon. I've already suffered. I have already returned on my usual basis. Dapat alam niya kung paano ’yon respetuhin. Kahit wala nang sorry. Respect my space na lang.

- maya

*****

message:
last update for this year. 2022 was a long ride for us. thank you for being strong. cheers to another 365. happy new year everyone~

Nothing Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon