79. note (*)

25 2 0
                                        

Title
December 28, 2020 - 12:12PM

he is not perfect, yes. napaka-fucked up niya when he's not in the mood. i've seen his ups and downs. unfortunately, napaka-unbearable niya sa downs niya. i don't like everything on his other side.

1. sino ba namang hindi maiinis kapag bigla ba namang nakakatulog in the middle of our conversation? sabi ko naman sa kaniya kapag inaantok na siya 'wag na niya pilitin dumilat. pwede siyang magpahinga as long as he wanted. all i want for him is to be in good state. makakapaghintay naman ang bebe time.

2. i don't like surprises. naiinis ako kapag bigla siyang magbibigay sa 'kin ng sweets during our meet. may pa-cake pa siya palagi kapag monthsary. nakakaloka. kapag nagkakaroon kami ng misunderstandings, magugulat na lang akong may package na darating sa bahay namin. akala tuloy ni mama ang dami kong pera. ayaw ko ring masanay. baka kasi one day, mag-expect ako ng surprise sa kaniya on certain days, tapos wala naman pala.

3. he's so clingy. gusto niya kapag magkasama kami nakadikit siya sa 'kin. kulang na lang maging kambal-tuko kami. ayaw niyang siya ang hahawak ng kamay ko, gusto niya ako ang hahawak sa kamay niya. and the first time we kissed, sa public. mabuti na lang gabi. madilim sa mini forest. i hope walang nakakita.

4. may mga times na gusto niyang lagi siyang nasusunod. mapilit siya. mahilig mangulit. kahit na naiinis ako, kahit na i have this girl boss persona, i have no choice but to give in. sirang-sira ang image ko sa kaniya. palibhasa kaonting pa-sweet lang bumibigay na ako. ang cute niya kasi. mukha siyang bata. hawig niya pa si Soobin ng TXT. i guess he's my kryptonite.

5. kapag malungkot siya, wala siyang ganang kumausap ng kahit na sino. he's ignoring me. kapag malala ang topak, hindi magre-response sa 'kin at all. madalas nag-aalala ako. hindi ko kasi alam ang gagawin. hindi ko alam kung paano pagagaanin loob niya. there are days na he disappeared, ni hindi ko alam kung anong nangyari. i ask myself kung masyado na ba akong mabigat para sa kaniya or have I done something bad against him? i really hate how unresponsive he was sa ganitong state niya.

actually, kaonti lang 'yan sa mga bagay na ayaw ko sa kaniya. the list is long. but you know what's funny about this? i stayed.

hindi naman kasi tayo perfect. unfortunately kahit mahirap tanggapin, hindi ako perpekto. may kaniya-kaniya tayong lapses. walang complete green flag sa mundo lalo sa generation nating nabuhay sa trauma.

kahit nakakainis na siya. kahit gusto ko na siya ibalibag sa kabilang bahagi ng mundo. kahit sobrang unbearable na niya minsan, hindi ko siya iniwan nor pumasok sa isip ko na iwan siya. because i love him. i am stupid and i love him.

i love him that's why i stayed.

Nothing Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon