98. notes

22 1 0
                                    


Title
February 06, 2023 - 2:30AM

i remember how he told me about the drastic change in my music preference. imagine having that change for only a year. ang daming pwedeng mangyari sa loob ng isang taon na 'yon. i can meet new people. make new experiences. i can use that time for self-growth.

by that slot, dapat okay na ako. dapat nakalimutan ko na siya. dapat nakausad na ako. dapat moved on na ako. kasi nga ang daming time 'di ba? but look at me now... nakakaawa. 'yung pride ko gibang-giba na dahil all this time niloloko ko lang ang sarili ko na hindi ako affected. na hindi ko kinokonsulta ang sanity ko whenever i talk to him. na hindi ko tinatanong ang sarili ko kung ano bang nangyayari at bakit nararamdaman ko 'to? na niloloko ko lang ang sarili ko na hindi masakit kahit ang totoo hindi lumilipas ang gabi na hindi ako umiiyak.

sinubukan ko namang 'di magpaapekto. sinubukan kong iwasan. sinubukan kong lumayo pero i keep on coming back. siguro kasi kahit itanggi ko sa sarili ko, iyon 'yung gusto ng inner self ko? iyon 'yung hinahanap ng puso ko. tanga nga siguro ako for letting it happen. ang tanga-tanga mo, maya. if you just stopped in the beginning, hindi mangyayari 'to. hindi ka sana nasasaktan nang ganito. PUTANGINAAAAAAAAAAAAAAA!!!!

Nothing Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon