30. messenger

50 6 11
                                    


• Cariño Pimentel

DEC 5, 2022 AT 9:45 AM

Saan ka?
Sorry may kasama ako kanina, may pupuntahan kasi kaming urgent
Bumalik ako sa jail booth pagdating ko wala ka na. Okay ka na ba?

wow thank you po

Seryoso nasan ka?

kahit saan
basta wala na sa jb

DEC 5, 2022 AT 11:10 AM

Saan ka ba kasi?
Lunch tayo? Sagot ko na
Or may kasama ka?

tapos na kami kumain
thanks sa initiative

Kahit milk tea na lang
May dala ako

wag na nga
kulit naman nito
wala ako sa mood sa matatamis mong salita
*foods

Ay kita na kita

wag kang lalapit naneto

Bakit?

basta

Eh bakit nga?

basta wag

Bahala ka diyan

naneto sinabing wag

DEC 5, 2022 AT 11:19 AM

kulit mo
sasaksak ko pa 'to sa baga mo

Di naman ako lumapit
Si Randel lumapit sa 'yo

you don't get the point
pinilit mo pa rin yung milktea
sabi ko nang enough

Enough sa cake
Madali lang naman akong tumupad sa kasunduan

masyado mo lang talagang nili-literal

Inumin mo yan
Pagmamasdan kita
Kapag iyan pinamigay mo or tinapon magtatampo ako sayo

magtampo ka dyan

Oks lang kahit walang thank you
Makita lang kitang inumin yan masaya na ako

Nothing Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon