TTPOV
"Adios!" sigaw ni Blake sa mga kaibigan bago ito sumakay sa sasakyan at nagmaneho na palabas sa University nito.
"Fuck..." mura nito nang sumalubong sa kaniya ang mga paparazzi sa labas ng campus.
"Señor, por favor, quítese del camino" mahinahon nitong sabi sa mga lalaking nasa tapat ng kotse niya at panay lang ang kuha ng litrato.
(Señor, por favor, quítese del camino meaning: Mister please get out of the way)
"¿Cuándo veremos la cara de tu madre?"
(¿Cuándo veremos la cara de tu madre? meaning: When will we see your mother's face)
"Por favor, quítate del camino, ¿puedo irme a casa en paz?" napasandal na ito sa upuan at wala nang pakialam kung hindi na kaaya-aya ang itsura na pinapakita sa media.
(Por favor, quítate del camino, ¿puedo irme a casa en paz? meaning: Please get out of the way, can I just go home in peace)
Nakahinga at nabuhayan naman ito nang tulungan na siya ng security ng University na paalisin sa daan ang mga paparazzi.
"Gracias!" nakangiti nitong sabi sa head ng security ng University bago tuluyang nagmaneho papunta sa condo nito.
Nang maihinto ang sasakyan dahil sa red light ay napahilot ito sa sentido dahil sa gulo na nangyari kanina. "They are getting more and more stubborn" sabi nito bago bahagyang nag-inat at nagpatuloy na sa pagmamaneho.
Nang makauwi ito sa condo ay agad nitong tinawagan ang ina. "Hello!" masigla nitong bungad kabaliktaran naman sa sinasabi ng pagod nitong katawan.
"Naka-uwi ka na?" nakangiting tanong ni Tatiana sa anak habang nilalagyan ng pagkain ang lalagyan ni Atticus at sunod na asikasuhin ang bunsong anak. "How was school?"
Agad na gumuhit ang ngiti sa labi ni Blake matapos marinig ang boses ng ina. "It was...normal" sagot nito habang naglalakad patungo sa kuwarto.
"Not too exciting and not too boring as well, kind of hectic actually" dagdag nito bago i-speaker ang tawag at ilapag ang cellphone sa side table.
"Did the paparazzi came today?" tanong ni Tatiana dahilan para mapatingin sa kaniya si Charles na natigil sa pagkain.
"Yeah" sagot ni Blake at sinara na muna ang kurtina sa kuwarto nito bago inumpisahang tanggalin ang butones ng damit. "They kept on asking when they would see your face"
Blake groaned due to the frustration at hindi iyon nakalagpas kay Tatiana. "Anak..." mahinahon nitong ani sa kabilang linya.
"Breath...breath, anak ko" agad namang sinundan ni Blake ang sinabi ng ina, hindi pa din tuluyang nawala ang inis nito pero kahit papaano ay kumalma na ito.
"They are so stubborn, in the first place we already clarified that it is for safety purposes but they still kept on insisting!" sigaw nito bago ibato ang nahawakan na bagay.
"Anak..." ani Tatiana na napatingin sa bunso na kapwa niya ay nag-aalala na din.
Muli namang huminga nang malalim si Blake at pinakalma ang sarili. "If it weren't for the university security probably I'm still stuck there" mahinahon nitong sabi bago tuluyang nakapagbihis ng pambahay.
"We're sorry"
"You have nothing to apologize for, Ma. It is them who should be, especially those people who are putting your life in danger" sagot ni Blake bago kunin ang cellphone at nagtungo sa kusina para kumain.
BINABASA MO ANG
ROYALTY SERIES: THE DUKE'S WOMAN
RomanceROYALTY SERIES #1: THE DUKE OF SPAIN ... A Duke's loyalty and love should be only for its people providing safety and peace to it's nation. But a simple mere woman-an absolute, stunning and amazing woman changes the Dukes. An Advantage or disadvanta...