16 1 0
                                    

CHAPTER 2: TALK

BLAKE'S POV

"I swear! I saw him move his finger!"

"Charles, calm down-"

"Gising na nga si Kuya, he moved his finger"

Unti-unti kong sinubukang idilat ang mga mata ko pero bukod dun ay hindi ko magalaw ang katawan ko, kahit ulo man lang para makalinga-linga ay hindi. "Oh! God" rinig kong ani bago maramdaman na may humawak sa mukha ko.

"Blake..." bahagya akong napadaing nang makarinig nang ringing sound sa tenga ko.

"Call your dad, anak" muli kong pinikit-pikit ang mga mata ko hanggang sa tuluyang maging klaro ang paningin ko.

"M-ma..." ani ko bago sinubukang itaas ang kamay ko para punasan ang luha niya pero napadaing lang ako sa sakit.

"Anak, can you move your eyes from left to right? Do it for me" sabi niya at ginawa ko naman ang sinabi niya. "Can you hear me clearly?"

"Y-yes" sagot ko at narinig ko naman ang pagbukas-sara ng isang pinto.

"Blake..." rinig kong boses ni Daddy at napangiti nang makita si Charles.

"Natanggap mo ba yung ice cream?" tanong ko at nagulat nang bigla na lang itong humagulgol.

"Mierda..." sambit ko dahil sa gulat.

(Mierda meaning: Shit or crap)

"How long was I asleep?" tanong ko habang inaasikaso ako ni Mommy at si Daddy naman ay pinapatahan si Charles.

"Three days" sagot ni Mama bago pigaan ang pamunas tsaka ito idampi sa balat ko.

"Nakain niyo yung ice cream?" tanong ko at tumigil naman si Mommy sa ginagawa bago ako naiiyak na tingnan.

"You are seriously asking about that?! In your state?" naiiyak nitong tanong.

"Dad would ask the same" sagot ko na mas ikinaiyak ni Mommy.

"Blake..." ani Daddy dahil sa sinagot ko.

"What?" tanong ko nang hindi ito tinitingnan dahil sa neck cast na suot ko. "When I visited you in the hospital, you asked me if I have received my allowance as if nothing happens to you" dagdag ko at narinig ko naman ang pagtawa ni Charles dahilan para matawa na din ako ng bahagya.

"May nasagasaan din bukod sa'kin..." pag-imporma ko bago tingnan si Mommy na pinupunasan ang luha. "Did...did they survive?" tanong ko habang direktang nakatingin kay Mommy.

Pinunasan ko ang pisngi nito gamit ang maayos kong kamay at sinabay na din ang pag-ayos sa buhok nito. "Did they?" tanong ko ulit.

Umiling si Mommy na nagpakirot sa puso ko. "The good thing is that your-"

"No, it is not a good thing" sabad ko kay Charles at pinunasan naman ni Mommy ang luha ko. "For sure katulad ko ay ine-expect din sila ng pamilya nila na makakauwi sila"

"Hijo, it is not your fault" pag-assure sa'kin ni Mommy bago maingat na hawakan ang pisngi ko.

"It's not your fault, wala kang ginawa...your dad's already finding kung sino yung driver" dagdag nito habang maingat na hinahaplos ang pisngi ko.

Makalipas ang dalawa pang araw ay nakalabas na din ako ng hospital, habang naglilinis sina Mommy at Charles sa bahay ay nakaupo ako ngayon sa may bench sa labas ng bahay namin.

"Tangina alikabok lang naman yun, ikamamatay ko ba yan?" ani ko bago ipaikot ang mga mata ko.

Sinubukan ko namang igalaw-galaw ang leeg ko katulad ng sinabi ni Mommy, pero katulad kahapon ay mas lalo lang itong kumirot.

ROYALTY SERIES: THE DUKE'S WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon