ⅩⅩⅣ

24 1 0
                                    

CHAPTER 24: ANDREAS STAVORS

BLAKE'S POV

"Claire's parents?" nagtataka nitong tanong at tumango naman ako.

"Anak" aniya bago ako lapitan at hawakan ang magkabila kong pisngi. "Why are you suddenly curious?" tanong nito habang nag-aalalang nakatingin sa'kin.

"May naikuwento ba siya sayo tungkol diyan?" tanong nito at umiling naman ako.

"Narinig ko lang, bago kasi ako bumaba narinig ko yung pinag-uusapan nila ni Ivory" sagot ko at napalingon nang pumasok si Daddy sa kusina.

"Bakit? Anong meron?" tanong nito bago tumabi sa'kin.

"Nagtatanong si Blake about sa parents tsaka relatives ni Claire" sagot ni Mommy kaya napatingin sa'kin si Dad.

"Nung sinugod ko kasi si Claire sa hospital sinabi niya sa'kin na, 'kasalanan nila binisita kasi nila ako' yun yung sabi niya" panimula ko. "Ngayon, narinig ko si Ivory na sinabi sa kaniya kung alam na daw ba natin yung tungkol sa bumisita sa kaniya"

"So iniisip ko na baka Parents o Relatives ni Claire yung tinutukoy nila"

Nangunot naman ang mga noo nila dahil sa mga nilapag kong impormasyon. "Ang alam ko..." ani Mommy kaya napunta sa kaniya ang atensyon namin.

"Ang alam ko lang ay si Claire na ang bumubuhay sa sarili niya simula nung 16 years old palang siya" sagot nito bago kami tingnan ni Daddy. "Naging magkaibigan na sila ni Charles nun"

"Ipa-imbistiga na ba natin?" tanong ni Dad habang nakatingin sa'kin.

"Darling" ani Mommy kaya napatingin kami sa kaniya. "Hindi ko nga ginawa yan kahit na may kapangyarihan akong gawin dahil nag-aalala din ako dun sa bata"

"Pero hindi ba mas maganda kung siya mismo ang magsasabi sa'tin tungkol diyan? Kasi may tiwala siya sa'tin"

"Ahmmmm" napalingon naman kami ni Dad at nakita si Ivory na dala-dala yung tray.

"Ah!" ani ko bago kunin yung tray sa kamay nito at ilagay sa lababo. "Kanina ka pa ba diyan, anak?" tanong ni Mommy kaya muli akong napatingin sa kanila.

"Opo" nahihiya nitong sagot bago bahagyang natawa at napakamot sa batok. "Ahmmm, namatay po ang mommy ni Claire nung 10 years old pa lang siya" pagkuwento nito.

"After po nung libing tumira si Claire sa mga kamag-anak ng Mom niya...kaso lang" pagkuwento nito habang nakatingin direkta sa'min.

"Pinagpasa-pasahan lang po siya" dagdag nito. "Hanggang sa napunta po siya dun sa Tita niya, ahmmm. Pero umalis din po si Claire dun nung 13 siya at nakitira po sa'min"

"Siya ba yung bumisita kay Claire?" tanong ko at nakita ko naman ang pag-aalangan sa mukha.

Ngumiti ito bago sumagot. "I think...mas maganda kung si Claire na ang tanungin niyo sa bagay na yan" sagot nito. "Sinagot ko lang yung mga tanong niyo tungkol sa parents at relatives niya"

"How about yung father ni Claire?" tanong ni Dad. "May alam ka ba?"

"Hindi po niya kilala" sagot nito at napatango naman kami. "Base daw po sa kuwento ng mga kamag-anak ni Claire ay iniwan daw po ang Mama niya matapos pong mabuntis"

"Salamat, Ivory" nakangiting sabi ni Mommy na nagpangiti din kay Ivory.

"Kita ko po kasi kung gaano niyo inaalagaan si Claire, at bilang best friend po niya natutuwa ako dahil muli po niyang naranasan magkapamilya" sagot nito at niyakap naman siya ni Mommy nang maluha ito.

"Salamat po" aniya bago yakapin si Mommy pabalik at nagkatinginan naman kami ni Daddy matapos marinig ang tungkol sa relatives at parents ni Claire.

Lumabas naman kami ni Daddy at habang nagmamaneho ito papuntang Tatiana's Café dahil may pinapaasikaso si Mommy ay hindi ko naman maiwasan ang mapaisip sa lagay ni Claire.

ROYALTY SERIES: THE DUKE'S WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon