ⅩⅩ

9 1 0
                                    

CHAPTER 20: JEALOUS

BLAKE'S POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil alam kong may training din ako ngayong araw at si Mommy ang magluluto ng almusal. Nang makababa ay agad na bumungad sa'kin ang natutulog na bulto ni Forrest sa sofa at mukhang binuhat lang ulit ito ni Tito Seb paalis sa kama.

"Morning" napatingin naman ako sa gawi ng kusina nang marinig yun at agad na nagtungo duon nang marinig ang pagtawa ni Mommy.

"Are you greeting me or calling me?" nakangiting tanong ni Mommy kay Tito Seb bago ito lapitan at yakapin.

"Good Morning" bati ni Tito Seb bago yakapin si Mommy pabalik.

"Hello" malambing na bati ni Mommy nang makita ako.

Humiwalay ito sa pagkakayakap kay Tito Seb bago ako lapitan at yakapin. "Good morning" nakangiti nitong bati bago halikan ang noo ko at ayusin ang buhok ko.

"Gisingin mo na si Forrest nang makapag almusal na kayo, ako na gigising sa Daddy mo" sabi nito at tumango naman ako bago halikan ang pisngi niya.

"Hi, Tito" bati ko at ngumiti naman ito bago ako sundan palabas ng kusina at gisingin na si Forrest.

"Tulog mantika ah" komento ko nang muling maharap ito.

"Anong oras ba naman kasi natulog kagabi" sabi ni Tito Seb bago tanggalin ang kumot sa katawan ni Forrest.

"Good...Morning!" sigaw ko bago ito tuluyang daganan na ikinagising nito at ikinahulog ko naman sa sahig nang itulak ako nito.

"Tangina mo, Blake" sabi nito bago ako tulungan maupo sa sofa at himasin ang tuhod ko na tumama sa coffee table. "Humahanap ka ng ikasasakit ng katawan mo, tarantado ka" tumawa lang ako bago siya tingnan ng ayusin ang buhok niya.

"Good Morning, Tita...Tito" bati niya kaya napatingin ako sa may hagdan kung saan pababa na ang parents ko.

"Good Morning" nakangiting bati ni Mommy. "Mag breakfast na tayo"

Nagtungo naman na kaming lima papuntang kusina at naupo na sa hapag. "Asan pala si Charles, Tita? Ba't di niyo kasama?" tanong ni Forrest habang nainom ng tsaa.

Natawa naman ako dito nang dumilat lalo ang mata matapos mainuman ang tsaa. "Is that your first time drinking Cinnamon tea?" tanong ko at gulat naman itong napatingin sa'kin.

"Cinnamon?" tanong nito at tumango naman ako bago inuman ang akin.

"There's such tea?" tanong nito kay Mommy na nakangiting tumango dito.

"Favorite yan ng Mommy mo, hindi mo alam?" tanong ni Mommy pabalik na mas ikinagulat ni Forrest.

"Parang..." aniya bago ako tingnan. "Parang hindi ko pa naman nakikita si Mommy magtimpla ng ganitong tsaa" skeptical pa din nitong sabi pero nagkibitbalikat lang bago muling inuman ang tsaa.

"May pasok pa kasi si Charles" sagot ni Mommy sa naunang tanong ni Forrest.

Napatango naman si Tito Seb matapos inuman ang kape nito. "Tumuloy siya sa Med School?" tumango si Mommy bago asikasuhin si Daddy.

"Love..." aniya bago haplusin ang pisngi ni Daddy na napatingin sa kaniya matapos niyang gawin iyon. "Kanina ka pa tulala, kumain ka na" nakangiting sabi nito at ngumiti naman si Dad bago nagsimulang kumain.

"Anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Forrest kaya bumalik sa kaniya ang atensyon ko.

"Hoy! Puro ka tsaa!" sabi ko nang makitang paubos na nito ang tsaa niya pero hindi pa nagagalaw yung aktwal na pagkain niya.

"Wag mo kong pakialaman" sagot nito bago paluin ang kamay ko palayo sa kaniya na ikinatawa ng mga magulang namin.

Matapos namin kumain ay nagbihis na muna kami sa isang komportableng damit bago nagsimulang mag-training. Sa may garden namin naisipan mag training dahil malawak ito at mas makagagalaw kami nang ayos lalo na't ang ituturo sa'min ay basic training for protection at si Daddy ang magtuturo nun.

"Pede time pers muna?" tanong ni Forrest nang makailang ulit na kami.

Pumayag si Daddy kaya napahiga kami ni Forrest sa damuhan dahil sa pagod. "Your Father is not aging at this point" hingal na hingal nitong sabi.

"Nakakahiya" sabi ko habang hingal na hingal din. "Lieutenant ako sa lagay na to" natawa naman ito bago naupo at ganun na din ako bago napatangin sa may garden mismo nang marinig ang pagtawa ni Mommy na tinutulungan ni Tito Seb pumitas ng mga bulaklak.

"Nakikita ko nga" rinig kong sabi ni Mommy na may dala-dala ng iba't-ibang klaseng bulaklak sa basket nito at ganun din si Tito Seb sa hawak niya. "Lagi nga nakabusangot yung batang yun, ang guwapo-guwapo pero laging seryoso ang mukha...parang ikaw" muli itong natawa at ganun din si Tito Seb.

"Ang bait manglait ng Mommy ah" natatawang sabi ni Forrest na ikinatawa ko na din. "Tangina rin kasi ni Autumn laging seryoso ang mukha" sabi nito bago tumayo at ilahad ang kamay sa'kin para maitayo na din ako.

"Wow" ani ko nang makalapit na sila sa'min.

"Ang gaganda hindi ba?" tanong ni Mommy sa mga nakuha nilang bulaklak bago ito ibigay kay Nichos at ipalagay na sa loob.

"Dayton..." ani Mommy bago lapitan si Daddy na nasa pavillion. "Okay ka lang ba?" tanong nito at agad siyang niyakap nito.

"Nagseselos" natatawa kong sabi nang harapin ko ang mag-amang Velez na ikinatawa ng mga ito.

"Seloso talaga kahit kelan" nailing na sabi ni Tito Seb. "Ganyan na ganyan din siya kahit sa mga kaibigan niya eh" pagkuwento nito.

"Really?" tanong ko at tumango naman ito habang nakangiti at kunot-noo naman si Forrest.

"Ganyan ka din eh!" sagot nito sa'kin na ikinatawa ko. "Kausap ko kahapon si Micha tas biglang nagwala sa harap ko dahil hindi ko siya pinapansin" pagkuwento nito na ikinatawa ni Tito Seb.

"Mag-ama nga kayo" komento nito habang nakangiti.

"Okay!" napaigtad naman ako sa gulat nang marinig ang masiglang sigaw ni Daddy. "Game na ulit!"

"Tarantado talaga" sabi ni Tito Seb. "Pero mas okay naman yan kaysa sa kanina" dagdag nito bago kami itulak palayo sa kaniya at papalapit naman kay Daddy.

"Katakot" komento ni Forrest habang nakatingin kay Daddy.

"Masasanay ka din" sagot ko bago umilag nang biglang umatake si Daddy at itinulak ko naman palayo si Forrest para hindi siya matamaan.

"Hands?!" gulat na tanong nito.

"Well, kailangan niyo din malaman kung paano lumaban. Hindi kayo pwedeng umasa na lang sa round-the-clock security niyo" sabi nito at tumakbo naman si Forrest papunta sa likod ko matapos mailagan ang pagsipa ni Daddy.

"Ginawa pa kong Shield" hindi ko makapaniwalang tanong bago ilagay ang dalawa kong kamay sa gilid ni Forrest para protektahan ito habang iniilagan at sinasalag ang mga suntok at pagsipa ni Daddy.

"Wag kang madaya!" sigaw ko bago itulak paharap si Forrest at ako naman ang nagtago sa likod nito na ikinatawa ni Mommy.

"Ang laking tao ng batong to" rinig kong sabi nito sa natawa na ding bulto ni Tito Seb. "Mga tarantado"

"Ouch! Time pers muna" sigaw ni Forrest nang masipa ni Daddy ang hita niya.

"Wala!" sigaw ni Daddy at patuloy lang sa ginagawa hanggang sa lumaban na din ako pabalik at narinig ko ang pagtawa nito at pagngiti. "That's it! Fight Back"

"Wait lang! Don't pressure me!" sigaw ni Forrest na ikinatawa lang naming mag-ama.

Maria Luna | Crescent

ROYALTY SERIES: THE DUKE'S WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon