IVAN POV
" I did not see that coming" kausap ko si Jerry sa phone
"Ang alin bro, ung magstay si Sharline sa house mo or let me say sa house ng lola mo haha"
"Yes of course. Syempre nahihiya ako sa lola ko na may pumuntang babae dito. Okay pa siguro kung dinala ko dito at pinakilala ko ng maayos sa harap nya. But no."
"So what do you want me to do?"
" Kailangan ko ng karamay dito. Gusto ko na ngang umuwi. Pero hindi pwede. Baka magalit si mama. Speaking of mama di ko pa nasabi sa kanya ang tungkol kay Sharline na nandito sya sa bahay. Baka mabigla pag sinabi ko."
"Well ikaw na bahala kung paano mo sasabihin sa mama mo. I'm packing my things. Darating ako dyan in three days. Marami muna akong aayusin bago ako pumunta sa bakasyon ko dyan haha"
"Sige. Tatawag na lang ako uli ssa iyo . Bye."
Grabe. Paano ko sasabihin kay mama yung tungkol kay Sharline.
"Apo.."
"Lola bakit?"
"Ang mama mo sa telepono."
Shit.
"Hi Ma."
"Hey Baby, kamusta ka dyan. Your lola told me that you got a guest."
"Oh yeah about that..."
"Oh bakit ka biglang natahimik?"
"Eh Mama nandito si Sharline."
"That's great! May time kayo para mas lalo pang madevelop yung feelings nyong dalawa."
"Ma! That's great? GREAT?!"
"Why?"
"Ayoko ko kay Sharline. PERSONALLY. AYOKO."
" Ivan Louis Montez. Hindi kita pinalaki na maging ganyan sa ibang tao. "
"Fine Ma. Alam ko na patutunguhan nito. Bye."
"No. We're n-"
Wala na bang mas lala pa nangyayari sa akin ngayon. Gusto ko ng umalis dito sa pamamahay na ito. Sana hindi na lang ako naging anak ni mama. What if kung nabuhay pa si Ate Lianna? siguro pareho kaming ipit ni mama. Kung si kuya Greg at Ate Hailey nagrebelde kay mama. Si papa galit na galit kay mama dahil hindi daw magawa ni mama na pabalikin sila ate at kuya. Eh kung magtitino lang sana si mama kahit kakaunti eh masaya na siguro ako.
"Hoy Arianna! "
"Oh bakit mayabang?!"
"Aalis tayo" sabay hila ko sa braso nya papunta sa kotse."
"Teka saan naman tayo pupunta?"
"Kahit saan mo gusto. Basta malayo dito sa bahay. Gusto ko ng magpahangin."
"Ganitong oras? Teka aba gabi na oy."
"Sasamahan mo ba ako o hindi."
"Eto na po."
Gusto kong lumayo.
"Dun tayo sa park."
Tinuro nya yung lugar kung saan banda ung park na sinasabi nya sa akin. Tahimik lang kaming bumiyahe
"Andito na tayo."
"Wow!"
Sobrang ganda nung street. Ang liwanag ng mga streetlight. Yung ambiance ng old city grabe ibang iba. Maraming taong kumakain, nakaupo at nagkekwentuhan . Mga taong gustong magrelax.
