Chapter Nine

635 161 40
                                    

IX

I CAN'T sleep! And this is because I'm so excited for tomorrow's party!

The dress I am going to wear, the pouch, the necklace, the earrings, the bracelet, the choker, I've prepared all of them! Na-contact ko na rin 'yong trusted kong stylist kapag may mga parties ako na ina-attend-an with Dad.

Ayos na rin kami ni Kriho. I accepted his invitation. Nabatukan pa nga siya ni Raena no'ng nalaman 'yong nangyari. Tinanggihan ko na lang daw dapat. Grabe nga tawa ko no'n kasi namumula si Kriho. Ewan ko kung sa hiya o sa inis sa kinakapatid niya.

At ba't ko naman tatanggihan? First, I really want to attend. Second, if I'm not in the party, I won't have the chance to do the first duty I was assigned to, being a Journalism Club member. Third, consideration 'yon kay Kriho kasi halatang pinaghirapan niya 'yong pagyaya niya. He exerted his own effort, considering how red he was that time.

I shut my eyes tightly. Sleep, Joshan! Sleep! Baka maging panda ka bukas!

Geez, nevermind! I'm not sleeping yet! This is hopeless!

Tumayo ako at pumunta sa desk ko. I opened my laptop and turned it on.

You see, I have a blog. Ito lang 'yong social site ko. Wala 'kong facebook, twitter, instagram, tumblr, etc.

Not being boastful or arrogant, but I'm pretty famous there. Ginawa ko siya when I was in sixth grade and active siya hanggang ngayon. Pero recently wala pa 'kong napo-post kasi busy ako sa school.

My username's fervidus. It's a Latin word for fiery.

Pino-post ko sa blog 'yong mga ulam na niluluto ni Manang Fe or pasalubong ni Dad na sweets, 'yong mga bagong damit na binili niya, pati 'yong mga padala ni Harold and his parents, mga sceneries na na-picture-an ko kapag namamasyal ako mag-isa, out of town or out of country.

I haven't showed my face yet. No'ng nagsisimula pa lang kasi ako, ang balak ko lang talaga is magpost kasi wala 'kong magawa no'n. Hindi ko plinanong i-post 'yong mukha ko dahil wala namang use.

Ngayon namang medyo nakikilala na nga 'ko, ayokong i-post kasi hassle. Mula kasi sa iba't ibang lugar 'yong followers ko. Hindi imposible na walang makakilala sa'kin if ever. Kaya hindi ko na binalak.

About the OOTDs naman na pwede nilang makilala, hindi naman ako bothered do'n. Hindi lang naman ako ang merong gano'ng mga gamit sa mundo. Saka madalas, bumibili sila ng katulad no'ng mga dress and accessories na pinapakita ko. Idol raw kasi nila 'ko.

I grinned when an idea crossed my mind. I excitedly stood up and put the things I'll wear tomorrow on my bed. I grabbed my iPhone and took a picture. Binuksan ko 'yong blog ko sa phone ko and posted the photo.

@fervidus
Hope to be presentable wearing this for tomorrow's school party!

I smiled proudly when sixteen people liked it already. Bumalik na 'ko sa laptop at may nabasang post ng isang naka-follow ako. Binanggit niya 'yong username ng isa sa mga kapantay ko ng kasikatan. Ang galing daw niya magpicture.

The mentioned username's rhecoso. The only information exposed about him, he's a guy and a high school student. He got recognized because of his photographs, because it can be considered that some pro photographer took them.

Unlike me, sceneries and lines from books ang pino-post niyang pictures. Minsan naman quotes na siya mismo ang may gawa. Those are the things he's well-known for.

We're not following each other. Sino ba namang gusto i-follow ang parang ka-kumpetensya mo sa isang bagay? Ewan ko kung ka-kumpetensya ang tingin niya sa'kin. But that's how I see him. Considering that this was the only entertaining thing I had when I was still homeschooled, with no other hobbies. Having him as a competitor was challenging, and eased my boredom multiple times.

Words and ActionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon