X
"JOSHAN, anak. Nandito na ulit si Manang. Pinaghanda na kita ng agahan. Gumising ka na." I slowly opened my eyes when I heard Manang Fe.
I blinked, and blinked, while staring at her. Manang Fe? She's back? When the moment sunk in, I jumped out of bed and hugged her tight. "Manang Fe! I miss you!"
She laughed lovingly. "Na-miss din kita. Siya, mag-ayos na tapos ay bumaba ka na. Baka lumamig ang pagkain." She broke away from the hug. "Nagpuyat ka ba kagabi? Grabe ang itim sa ilalim ng mga mata mo. May party ka pa naman daw mamayang gabi sabi ng Daddy mo. Pasaway ka talaga." Tinulak niya 'ko papasok sa banyo ko. "Maghilamos na! Bilisan!" At sinara 'yong pinto.
Nakanguso naman akong naglakad papunta sa harap ng salamin.
I can't believe myself. I followed him back yesternight and messaged him a simple 'thank you'.
I waited for an anxiety-filled hour. Doing my best to divert my attention and concentrate on reading the other notifications and messages, while waiting for his reply. Nabasa ko na lahat pero hindi pa rin siya nagreply.
And that's why I am fucking pissed. Nakatulog na 'ko lahat-lahat, hindi ako naka-receive ng reply! Shithole!
Bawal ko naman siyang i-unfollow dahil sobrang dami nang nagthank you sa'kin at nagpakalat na 'yong OTP daw nila, ini-follow na ang isa't isa.
Sinulyapan ko 'yong laptop ko. Should I check it?
What the hell, Joshan? You're expecting again?! Stop the whipped shit act!
I washed my face with my brows creased. I'm insane. Yes, I'm insane. All because of that guy.
Bumaba na 'ko at naamoy kaagad 'yong niluluto ni Manang. Mabilis na nawala 'yong kunot ng noo ko at napalitan ng ngiti bago umupo sa dining table.
She placed the dishes on the table and my eyes landed on the sliced cucumber she prepared. "Ilagay mo 'to sa mata mo mamaya. Matulog ka nang tanghali habang nakalagay 'to. Para kahit papaano'y nawala 'yang mga itim sa ilalim ng mata mo. Bakit ka ba kasi nagpuyat, ha? Nawala lang akong nagsasaway sa'yo, nagpakasawa ka nang bata ka?" She scolded while putting rice on my plate.
"Kagabi lang ako nagpuyat, Manang! Promise! The other days you were gone, I slept early. Swear!" I sheepishly smiled and started to eat.
She laughed and pinched my cheeks. "Magpaganda ka mamaya, ha? Unang beses mo 'yong a-attend nang hindi puro katrabaho ng Daddy mo ang makasasalamuha mo."
"Siyempre naman, Manang." Uminom ako ng tubig. "Saka si Dad po pala?"
Ang alam ko kasi, pupunta siya ng ibang bansa para sa isang investor.
"Umalis na kanina. Sinubukan kang gisingin para magpaalam, hindi ka naman nagising." Naiiling na sabi niya at inabutan ako ng gatas.
I pouted. "Ano ba 'yan. He should've shaken my soul or something!"
Natawa na lang si Manang at lumabas muna para magdilig ng halaman.
Tinapos ko naman 'yong pagkain ko at inubos 'yong gatas bago ilagay lahat sa hugasan. Papagalitan naman ako ni Manang kapag hinugasan ko 'yan.
Nilagay ko muna sa refrigerator 'yong pipino na hinanda niya at kukuhanin ko na lang mamaya. Umakyat na ulit ako sa kwarto ko at napadako kaagad 'yong tingin ko sa laptop.
I'll check my blog, not his message. I won't waste my time for him, again.
As expected, baha nanaman 'yong notifications at messages ko.