Chapter Twenty One

131 10 1
                                    

XXI.

"OH, shit!" I jumped out of surprise when a fast motorcycle passed by. It was so close, it almost hit my arm!

Kaagad na napalingon si Kriho sa'kin pagkatapos bayaran 'yong binili niya. He grabbed my arm and started to check if I'm hurt. "Bakit? Ayos ka lang ba?"

Sinundan niya ng tingin 'yong motor na dumaan mismo sa tabi ko. Kung hindi lang malayo 'yon ay malamang sinigawan niya na. Bakas ang inis sa mukha niya at hinila 'ko papunta sa kabila niya. Siya na ngayon ang nasa tabi ng kalsada.

"I shouldn't have brought you here." He muttered, his jaw clenched.

Masyadong crowded dito sa Gualadupe na pinuntahan namin. May mga nagtitinda ng kung ano-ano sa bawat sulok, tapos mga taong naglalakad sa sidewalk, na masyadong dikit sa daanan ng mga sasakyan. Ayos lang naman sana, kung meron lang railings para ihiwalay 'yong dinadaanan ng mga tao sa kalsada, masyado kasing delikado lalo na't may mga nagtutulakan minsan.

I raised my brow at him when he said that. "And let you go here alone, in that state? Baka matakot pa sa'yo 'yong bantay do'n sa optical shop." Puro ba naman pasa at band-aid 'yong mukha niya.

"I'm a regular costumer. The optician even knows I visit every last Tuesday of the month, in this state." He reasoned, like that answers all of the wonders of the world.

Pinunasan ko 'yong pawis na namumuo sa noo ko. "Proud ka pa na regular ka buwan-buwan?" Sarkastikong tanong ko sakaniya.

Nanatili siyang tahimik, pero 'di 'yon nagtagal nang inabot niya sa'kin 'yong binibili niya kanina no'ng muntik na 'kong madala no'ng motor.

"Cotton candy...?" I slowly uttered. I think my eyes just twinkled. "Sa'kin na lang?"

Tumango siya. "Binili ko 'yan para sa'yo. Might as well treat it as a thank you for coming with me. Mukhang 'di ka pa sanay sa mga gan'tong lugar."

Tinanggap ko naman 'yon at napangiti ng malawak. "Thank you! And it's okay, it's been so long since I've experienced to sweat like this anyway."

He chuckled at my weirdness, I just shrugged at him.

I started eating the first cotton candy I've ever received from someone.

Nage-enjoy akong kumakain nang may nakabangga sa'king dumaan. Muntik nang malaglag 'yong cotton candy pero nasalo 'yon ni Kriho sa hawakan. I was so ready to fight whoever bumped into me but I heard the older woman say sorry so I let it go. She could've just walked away and be rude but she didn't, I respect that.

Inabot na sa'kin ni Kriho 'yong cotton candy. Magsisimula na ulit sana 'kong kumain nang hawakan niya 'ko sa palapulsuhan.

Sinamaan ko siya ng tingin kahit 'di niya nakikita. "Pres, hindi ako makakain."

Tiningnan niya 'ko at tinanguan 'yong cotton candy. "Pwede mo namang kagatin." Hindi nakaligtas sa mga mata ko 'yong pagngisi niya.

"It would be too messy to eat it like that. And I prefer eating it slowly by pinching every bit of it, thank you very much." I tried to pull my wrist away from his grip but he didn't let me. "Pres!"

"Tatawid lang tayo. Sandali lang." Natatawang sabi niya habang lumilingon sa kaliwa't kanan bago ko hinila para makatawid. Binitawan niya 'yong palapulsuhan ko, bago ngumisi. "'Yan na. Kumain ka na ulit. Sungit." Inirapan ko lang siya at nagsimula na ulit kumain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Words and ActionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon