Prologue: Encounter

14 1 0
                                    

People would assume that I am a flirt because of the way I dress. But who are they to say those things when they are not the one who brought me into this world. My parents can buy me clothes and I appreciate it. 

Napakadami nga namang chismosa dito sa Pinas kaya naman minsan ay sa ibang bansa kami palaging namamasko. Marami rin kasi ang gusto manira sa pamilya namin kaya mas gugustuhin namin sa lumayo na lang kaysa patulan pa sila. They don't deserve our attention, kahit konting katiting pa yan.

"Stacy!"

Tawag sa akin ng kaibigan ko. Lumingon ako dito at ngumiti sa kanya.

"Excited ka sa pasukan haa..aga mo" pambungad niya sa akin habang humihinga ng malalim dahil tinakbo niya ang distansya namin.

I smiled, "Hindi, sa katunayan ay nabitin ako sa baksyon." Ngumiwi naman siya sa sagot ko.

Naglakad na kami patungo sa room namin. Madaldal si Athena dahil hindi siya nauubusan ng mga kwento. Pati ata mga chismis ay alam niya lahat. Isali mo pa na anak siya ni Mayor kaya pati sa politika ay may alam rin siya. 

Napatigil lang kami nang may pinagkakaguluhan sa may gilid ng field. Malapit lang rin sa puwesto namin. At si Athena na isang dakilang "explorer" kuno ay hinila ako patungo sa madaming tao at nakipagsiksikan.

Mahirap makisingit dahil grabe talaga ang dami ng tao. Pati ata mga guro ay nandito na rin. Dahil nahuhuli ako ay bigla kong nabitawan ang kamay ni Athena. Mas nahirapan tuloy akong makasingit.

Mula dito sa likod ay rinig ko na ang boses ng kaibigan ko. Alam na niya ata ang nangyayari. Nagulat pa ako ng malakas niyang sinigaw ang pangalan ko kaya naman tumingin sa akin ang mga tao at nabigyan ako ng daan.

"Hala! Andito yung anak ni doktora! Stacy!" sigaw ni Athena

Tumingin naman yung mga nakakakilala kay mom at sa akin. Lumuwang ang daanan kaya naman nakita ko ang ganap sa gitna. Napamura tuloy ako sa utak ko. Si Athena talaga..mahilig akong idamay sa ganito.

"Uy, si Atria!" tawag ng isang lalaki sa may gilid ko.

"Grabe ang ganda ni Stacy. " Sabi naman nung maliit na babae na cute.

Hayss..

Ayaw na ayaw ko sa attention dahil hindi ako sanay sa mga mata na nakatingin.

"Stacyyyy ko! Dali! Alam kong marunong ka nito hehe.." sigaw ni Athena ng makita na niya ako.

Wala akong nagawa kung hindi ang lumapit sa kanya upang tignan ang sinasabi niya. May apat na tao doon. Dalawang guro, isang lalaki na naka-upo sa lupa at saka si Athena.

"Naku, ikaw pala yan Stacy." sabi nung nakasalamin na lalaking guro.

Ngumiti na lamang ako sa kanya at tinignan ang lalaki na naka-upo sa lupa. Nakatingin na rin ito sa akin habang hawak ang kanyang ulo na dumudugo.

"What happened?" I asked

Hinawakan ko yung kamay ng lalaki at dahan dahan na inalis sa may sugat niya. May hawak pala siya na panyo para pangtakip sa sugat niya. Habang sinusuri ko ang sugat niya ay nakatitig lang ito sa akin.

"Binato kasi siya nung bata kanina ng maliit na bato..." kinakabahang sabi nang medyo may edad na babaeng guro. Tumango ako dito at nginitian ito dahil nanginginig siya.

Nasa taas ng noo ang sugat nito at medyo malalim ang tama nito. May dumi rin na mga alikabok dito at kailangan na talagang gamutin.

"Are you okay?" tanong ko sa lalaki

"Nahihilo ka ba? Nasusuka?" dagdag ko pa

"I'm fine, masakit lang sugat ko.." sagot niya

Malalim ang boses nito at may malamig na himig. Kulay asul rin ang kanyang mga mata at halatang may lahi siya. Aaminin ko rin na may mukha siya, at maputi rin ang kanyang mga kutis na para bang hindi nasisilayan ng araw. Makikita mo rin ang mga ugat niya sa kanyang kamay na pinupunasan ang dugong tumutulo sa kanyang sugat.

Swerte ko kung may kaklase akong gwapo na kagaya niya, but I doubt that because I can't remember him being my classmate last year.

Ako ang umiwas ng tinginan namin dahil kailangan nang magamot ng maaga ang sugat niya.

"Meron po ba yung school nurse natin?" tanong ko sa gurong babae

"Wala siya Ms.Stacy, may lakad kasi siya ngayong buong linggo.." nanghihinayang na sagot ng guro

"Okay, I think I can handle this. Sa school clinic na lang." I sighed. Bakit ba kung kailangan yung  nurse na yun ay palaging wala? Ganito rin kasi yung nangyari last year. Nung may nasugat na kaklase ko ay wala siya dahil may urgent 'daw' na pupuntahan pero nakita sa mall nakikipagdate.

Lilinisan ko na lang muna yung sugat at saka idederetso sa hospital. Hindi rin naman ako propesyunal para makampante sa sugat niya. Medyo malalim rin ito at sa tingin ko ay kailangan ipatingin sa doktor.

Dumiretso kami sa school clinic at inilabas ko na lahat ng kakailanganin sa paglilinis ng sugat nito. Pinahiga ko siya sa isang bed at sinimulang linisan ang sugat niya. Wala akong makitang reaksyon sa mukha niya kahit alam ko na masakit ito. Ang tanging pagkunot lang ng kanyang kilay ang nagsisilbing reaksyon sa tuwing may masakit.

Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis ng biglang nagpaalam ang mga guro dahil may kanya-kanya pa daw silang mga advisory class. Pati si Athena ay nagpapaalam na rin dahil baka malate daw siya sa klase at mukhang ayaw pa ata akong iwanan.

"Pasensya na Ms. Stacy, ikaw pa ang gumagawa nito." pagpapaumanhin ni Sir pati na rin si Ma'am Rose.

"Okay lang po" tanging sabi ko dahil hindi naman ito labag sa loob ko.

"Mauna kana Atena susunod na lang ako.." sabi ko sa kaibigan ko dahil hindi niya talaga ako maiwan dahil baka magtampo daw ako ngunit sa huli ay napapayag ko siya. Pati ang mga guro ay umalis na rin.

"Huwag kang mag-alala Mr. Oliveros marunong si Stacy pagdating sa paggagamot. Manang mana sa kanyang ina." saad ni Sir bago ito umalis at iwan kami

Lumingon ako kay Oliveros at nakitang nakatitig ito. Binalewala ko ito at pinagpatuloy ang paglilinis. Medyo nahirapan akong linisan ang kanyang sugat dahil may mga nakasiksik na dumi dito at ayaw ko naman na pilitin dahil baka masaktan siya.

Naging tahimik ang buong clinic at tanging paggalaw ko lang ng mga gamit ang naririnig.

"You still need to see a doctor after this." sabi ko habang inaayos ang mga gamit. 

"Okay." sagot niya naman

"Or I can refer you to my mom, if you want. " I suggested dahil pakiramdam ko ay hindi ito magpapacheck-up

He stared at me for a while before releasing a deep sigh, I felt like he is admitting defeat. Sinabi ko sa kanya na pupunta kami mamayang uwian sa Hospital at pumayag naman siya. Sabi ko pa nga ay ideretso na namin siya ngayon ngunit ayaw niya dahil gusto niya na daw pumasok.

"Anong grade mo?" tanong ko

"Grade 11- STEM." maikling sagot niya. Kahit alam kong mas bata siya ay hindi ko maiwasang magulat dahil mukha siyang mature tignan. Maayos ang pananamit, at pati ang kanyang boses ay ang lalim.

"Really?" gulat kong tanong.

Tumango naman siya at parang bata na sumusunod sa kanyang nanay dahil gusto niya ng isang  bagay. I laughed when I thought about it. Cute.

"What about you?"

"Grade 12 STEM.." sagot ko. Hindi ko inaasahan na magtatanong siya dahil mukhang wala siyang pakealam sa paligid niya.

He nodded his head.

Ang tipid talaga sumagot.

Pagkatapos noon ay pumunta na kami sa sari-sarili naming klase. Naghiwalay kami sa may hallway dahil hindi naman kami pareho ng klase.


///

Hi! Thank you for reading! Hoping for your support until this story ends <3






Caught Up In CirclesWhere stories live. Discover now