Chapter 1: Smile

6 0 0
                                    

"Good afternoon po"

Pagbati ko sa guro ng STEM 11. Napa-aga kasi ako ng punta dito sa klase niya. Hindi ko naman alam na may klase pa sila. Natapos na kasi kami sa aming last subject kaya naisipan ko na sunduin na dito si Oliveros.

"Pwede po bang i-excuse si Mr.Oliveros? Pupunta po sana kami sa Hospital." pagrarason ko sa guro nila pero totoo naman yun.

Kumunot ang noo ng guro nila at napatingin sa gawi ni Oliveros na nakatingin na sa akin. Pati ang mga kaklase niya ay tumitingin na rin. Agad naman akong nahiya dahil dapat ay hinintay ko na lang na matapos sila. Hula ko nga ay busy sila sa discussion dahil may nakasulat pa sa board. Ka aga naman nilang magsimula, first day of school pa lang tapos discussion agad!

"Mr.Oliveros, you can now go..." sabi nung guro habang nakababa ang tingin dahil parang nakaharang ang kanyang suot na salamin. 

Nag-ayos naman siya ng gamit at agad na tumayo sa upuan niya. Dahan dahan siyang pumunta sa gawi ko at nagpasalamat sa guro niya.

"Thank you po...pasensya po sa abala." sabi ko naman 

Umalis na kami doon ni Oliveros at binabaybay ang daan patungong parking lot. Medyo tahimik pa dahil hindi pa rin labasan ng ibang estudyante. 

"Sorry ha, napa-aga dating ko. Nagdi-discuss kayo?"

"No, it's okay. Nagrerecall lang siya ng mga napag-aralan namin na may connect sa subject niya noong Grade 10." tamad niyang litanya

"Oh, okay"

Kahit ang awkward sa pakiramdam ay tiniis ko dahil kawawa naman kapag hindi ito naipatingin sa doctor. Baka maimpeksyon pa ito at mas lalong lumala kaya mas maigi na maging handa.

Inaya ko siya na sa akin na sumakay ngunit tumanggi siya at sinabi na sa kanya na raw sumakay. Pumayag na lang ako dahil parang nahihiya siyang sumakay. Babalikan na lang daw namin mamaya yung kotse ko.

" Ako na kaya mag-drive baka hindi mo kaya. " nagaalalang saad ko

"I don't trust you, baka mabangga pa tayo."

Wow.

Grabe yan haa. Alam ko naman na mahal itong kotse niya pero alam ko naman itong imaneho. Suplado talaga 'tong lalaki na ito. Ako na nga yung nagaalala tapos babarahin niya lang ako.

Pumasok ako sa loob ng kotse niya at sumalubong sa akin ang panlalaking pabango. Malinis rin ang loob. May tissue at sanitizer rin sa harap. Halatadong malinis siya at may good hygiene. Plus points to, kaso pass. Ayoko sa bata no! Kahit pa isang taon lang agwat namin ay pass pa rin ako.

Isinuot ko ang aking seatbelt at pinaandar naman niya ang makina ng sasakyan. Dahan-dahan niya itong pinausad. 

Shit! Ang ganda ng kamay niya sa may manibela. Kitang kita ang maugat niya kamay dahil sa sobrang puti niya. 

Nakarating naman kami ng ligtas sa Hospital. Agad kong hinanap si mom. Naging madali lang ito dahil kilala akong ng mga nurse at naituro agad nila si mom. Mabuti na lang at wala siyang pasyente ng maabutan namin siya.  

Binati ko muna si mom pati si Oliveros ay ito rin ang ginawa niya. Napagkamalan pa nga siyang jowa ko pero sabi ko ay sinamahan ko lang siya dito sa hospital dahil nasugatan siya. Patuloy pa rin akong inaasar ni mom na jowa ko daw tapos patago lang relasyon namin.

"Mom naman po, bata pa yan eh." natatawang sagot ko kaya napatingin rin sa akin si Oliveros.

Natawa naman si mom at tumigil na. Pinagpatuloy niya ang pagusisa sa sugat ni Oliveros. Hindi naman daw kailangan matahi nung sugat niya kaya pinagpasalamat ko iyon. May mga sinabi pa siya at sinabing bumili ng gamot na inireseta niya. Kumikirot rin daw kasi yung sugat dahil medyo malalim ito.

Pagkatapos ay nagpaalam na kami at binili ang mga nireseta ni mom. Mabilis lang kami doon at dumiretso na kami sa school ulit upang kunin ang aking sasakyan.

"Thank you for coming with me.." sabi ni Oliveros bago ako umalis sa sasakyan niya. 

I smiled. "Welcome, you should follow your medication on time. Pagaling ka.." I said and on my instinct, I moved my hand and touched his wound. Nagulat siya doon ngunit pinabayaan naman niya. Lalo akong natunaw ng ngumiti siya sa akin. Grabe ang pogi niya! 

Nahiya naman ako dahil sa ginawa ko. Palagi ko kasi itong ginagawa sa tuwing bumibisita ako sa Hospital at may pasyente si mom na bata.

I can hear him chuckling, siguro dahil nahalata niya na nahiya ako. Dali-dali akong umalis sa sasakyan niya at pinatunog ang akin.  I can hear my heart beat because of that, but I don't know why, siguro dahil sa hiya.

"Ingat." natatawang sabi niya ng sumilip siya sa bintana niya. Bumusina na lang ako at nauna nang umalis.

Umuwi na ako agad dahil marami pa akong gagawin. Gusto ko rin kasi na mag-advance reading sa mga subjects namin. Balita ko nga daw ay mahirap na kapag humantong ka ng Grade Twelve dahil marami kayong gagawin at may research kayong ide-defense.

Sa mga sumunod na araw ay ganon ang routine ko. From to school hanggang bahay lang ang lagi ko. Hindi rin naman ako naglalakwatsa dahil wala naman nagaaya sa akin. Busy rin si Athena sa kanyang pag-aaral.

"Stacy, malapit na birthday mo ah" sabi ni Adrian sa akin nang nagsusulat ako 

I almost forgot my own birthday. Kaya pala nagpapakita sa mga social media ko yung mga babae na nagde-debut. I also want a debut on my birthday party. Kaya naman nila mom and dad yun. Siguro I should start preparing for it para naman makuha ko yung gusto kong design sa party ko. Sa isang buwan pa naman.

"Kasali ba ako sa eighteen roses mo?" sabi niya habang nagpapacute ang mga mata

Natawa naman ako sa ginawa niya. Kahit kailan talaga, palaging patawa 'tong si Adrian.

"Of course, baka magreklamo ka pa kila mom kapag hindi kita sinali. Malakas ka pa naman dun." natatawa kong sabi

"Yes!" saad niya sabay talon

Kala mo naman isang bata. Totoo naman kasi yung malakas siya kay mom. Naku ewan ko ba ang lakas kasi mang-scam nitong si Adrian kaya naman pati si mom ay naii-scam niya. May business nga sila na mga wine tapos tuwing makikita si mom ay palagi niya itong sinesales talk. Nakukumbinsi naman si mom kaya sa huli ay sa kanila na kami umo-order ng mga wines. 'Di naman kasi hamak na masarap ang pagkakagawa nila.

"Can you invite her? Please, para naman partner ko yung crush ko.." sabi niya sa akin sabay pakita ng facebook nung sinasabi niyang babae. Maganda yung babae at may maliit na mukha.

Tumango naman ako at inalala ang pangalan nito. Manggagamit talaga 'tong isang to. Kung may kailangan saka ka niya kakausapin. Pero kaibigan ko naman siya sadyang ako lang napuntirya niya ngayon.

I decided to go home after class so that I can start to plan my debut. Sinabi ko rin ito kila mom at ang sabi niya ay matagal na daw nila itong pinaplano. May venue na rin at mga catering services. May mga mag-oorganize na rin na kaibigan ni mom.

Pinapili niya ako ng design na gusto ko at ang theme ng party. Sabi ko ay isang masquerade theme tapos ang design ng paligid ay isang fairytale theme. Kumbaga parang nasa isa akong disney na panood.



///

Thank you for reading!


Caught Up In CirclesWhere stories live. Discover now