Chapter 2: Invitation

8 0 0
                                    

Naging busy ako sa sumunod na araw dahil malapit na ang debut ko. Noong nakaraang linggo ay tinapos ko ang phoshoot ko sa isang beach resort. Nakakapagod pero para sa akin rin naman kaya tiniis ko na lang.

Marami pa ang hindi nabibigyan ng invitations kaya ito ang aasikasuhin ko ngayong araw. Naimbita ko na rin yung sinabi ni Adrian na babae. Isa pala itong transferee ngayong taon at isang GAS student.

Habang nagaayos ng pangalan ng mga bisita ay nakita ko ang isang pamilyar na apelyido. 

'Mr. & Mrs. Oliveros and Family'

Kaya pala pamilyar, pero hindi ko alam kung mga magulang ba niya ito. May ilan kasing mga kaibigan ni dad ang isasali sa mga bisita. May isa rin na isiningit sa eighteen roses ko. Hindi ko namn ito kilala pero ang sabi ni dad ay maayos naman daw ang isang yun kaya pumayag na ako dahil kulang ako ng isang tao sa eighteen roses. Huling sayaw ko naman si dad.

Sabi ni dad ay nasa kabilang kanto lang daw ang bahay ng mga Oliveros pero bakit sobrang layo naman ata ng kabilang kanto. 

Halos thirty minutes akong nag-drive para ang makarating dito sa mansyon na toh. Nakamodern style ang mansyon ng mga Oliveros. Tanaw rin dito sa gate ang kanilang makulay na hardin.

Ibibigay ko lang sana ang invitation pero pinapasok ako nung guard. Nahiya naman akong tumanggi dahil baka inaasahan nila akong pumunta ngayong araw. Pinasabi ko kasi kay dad na sabihin na idadala ko yung imbitasyon ngayong araw.

Nang makarating ako sa loob ng bahay ay halos mamangha ako sa designs nito. Alam mo yung mga nakikitang modern house na youtube na nagkakahalaga ng ilang milyon? Ganitong ganito yung bahay nila. 

"Are you the daughter of Mr.Eugenio?" sabi nung nasa likod ko kaya naman humarap ako dito. Nagulat rin ako nang makita ko siya. Ilang linggo na rin nang makita ko siya dahil hindi naman ako napapadaan sa classroom nila.

"Oh, it's you"

Sabi niya nang humarap ko. Mukhang hindi rin siya nagulat dahil parang kilala na niya na ako yung bisita nila.

I nodded, "Hi! Invited pala kayo sa debut ko..." 

Inabot ko sa kanya ang invitation saka ngumiti. Tinignan niya naman ang laman nito. Inaya niya rin akong maupo sa may sofa sa gilid niya. Pati  sofa nila ay malambot rin. Grabe dito na kaya ako tumira?

Maganda rin naman yung bahay namin kaso ito kasi yung pangarap ko na bahay. Modern at malinis tignan.

"Magkaibigan pala magulang natin..." pagpapagaan ko sa paligid dahil sobrang awkward

Hindi ko naman ineexpect na magkakilala yung mga magulang namin.

"Yes.." maikling sagot niya. Hindi manlang makisama 'tong isang to. Hindi ba niya ramdam na sobrang tahimik ng paligid at nauumay na ako.

"Mauna na ako, marami pa kasi akong pupuntahan. Thank you ha, inaasahan ko kayo sa birthday ko. " tumayo na ako at nagpaalam sa kanya.

Mukhang may sasabihin pa siya ngunit hindi niya tinuloy, dahil siguro sa aalis na ako. Tumango lang siya at inihatid niya ako sa may gate nila.

Sumakay na ako sa kotse ko at umalis na. Tinapos ko na rin lahat ng pupuntahan ko na bahay para ideliver itong mga invitation. Dapat yung driver na namin yung gagawa nito pero pinilit ko si mom na ako na, nageenjoy rin naman ako na gawin ito.

My birthday came and all of the guest where wearing a mask. 

Nae-excite ako dahil nasunod nila yung theme ng party. Akala ko ay hindi susunod yung mga guest pero pati bata na imbitado ay nakasuot rin ng mask. I think nagustuhan nilang magsuot ng mask. 

Halos naka kulay blue ang mga bisita ko. Yung iba naka light blue at iba pang shade ng blue. Ako naman ay naka Turquoise na ball dress. Nabibigatan na nga ako dahil sa ang kapal nito.

Marami ang bumati sa akin at nagbigay ng regalo. Kulang na nga rin ang space na nakalaan para sa mga regalo. Nagpasalamat naman ako sa mga dumalo at sa mga regalo na dala nila.

Nagsimula na ang eighteen roses at nauna si Adrian  na magsasayaw sa akin. Puro siya biro at ang daldal niya. Nagpasalamat rin siya dahil inimbita ko daw yung crush niya. I am thankful dahil naging kaibigan ko siya kahit pa scammer siya.

Sumunod naman yung mga ibang magsasayaw sa akin. Yung iba pa nga ay kinakabahan at natatapakan pa ang aking dress. Dapat ako yung kabahan eh. 

Sa panglabing pito ay si Oliveros na.

'Mr. Nashi Lynx Oliveros'

Nashi pala pangalan niya. Nakasuot siya ng black na mask at black na suit tapos inner niya ay white. Ang kanyang necktie lang ang kulay asul.

Nakatingin siya habang papalapit sa akin. Jusko talaga 'tong bata  na to, napaka gwapo. Kung di lang to mas bata sa akin, pinatos ko na to.

"Happy birthday." sabi niya gamit ang kanyang malalim na tono. Nagulat naman ako nang halikan niya ang aking noo habang inaabot sa akin ang rosas. Naku yung puso ko, teka lang!

Nakakakilabot yung boses niya, ang ganda pakinggan. 

"Thank you.." ako tuloy yung nahiya sa kanya. 

Nilagay ko ang aking mga kamay sa kanyang balikat habang siya naman ay sa aking bewang. Medyo nakikiliti pa nga ako dahil sa manipis ang side ng dress ko. Banayad rin ang kanyang paghawak sa aking bewang.

Nakatingin lang kami sa isa't isa habang sumasayaw. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang tagal namin sumayaw.

"Nashi pala name mo.."

Gusto ko naman magsalita dahil sobrang tahimik naming dalawa. Parang naririnig niya rin ata yung tibok ng puso ko. Hindi ba naman ako kausapin, sabagay hindi naman kami close. pero kahit na diba? Pumunta siya dito tapos hindi niya ako kakausapin. Hmp!

"Yes, and you're Stacy.." saad nito

"But I prefer to call you Atria.." bulong nito sa akin na nagpakilabot sa akin

Tumingin ako sa kanya at laking gulat ko nang ilang dangkal na lang ang layo ng mukha namin. His eyes is piercing into my soul. Humigpit rin ang hawak niya sa aking bewang at mas nilapit ang aking katawan sa kanya. Lumipat ang kanyang tingin sa aking pulang labi at binalik sa aking mga mata.

"Naku, kung hindi ka lang bata..." I laughed off this familiar feeling that I've forgotten. Alam ko kung ano ito ngunit ayoko kong bigyan ng pansin. 

"Ano?" nakakunot niyang tanong sa akin

" Wala. " I laughed

"I'm not a kid. Isang taon lang agwat natin." pagmamaldita niya sabay ikot ng mata

Aba! Sa akin pa siya nagmamaldita ha! Binalewala ko na lang ang kanyang sinabi at naisipan na idaan na lang sa biro ang kakaibang nararamdaman ko.

" Ganda ko noh? " natatawang tanong ko sa kanya

" Yeah, beautiful. " nakangiting sagot niya. Hindi ko inaasahan na sasagot siya!

I chuckled. " Crush mo'ko no? " 

He pursed his lips and looked down while smiling.

Gosh! Joke lang yun ha. Natatawa na tuloy ako sa kanya, ang cute ba naman kasi ng reaksyon niya!

"Joke lang! Ito naman.." I laughed  

" Huwag mo naman ipahalata na kinikilig ka.."

Nakangiti niyang inangat ang kanyang mukha at humiwalay sa akin dahil tapos na ang sayaw namin. Nagpasalamat ako sa kanya bago siya umalis.

It was fun dancing with him. 


///




Caught Up In CirclesWhere stories live. Discover now