Chapter 4: Stuck

6 0 0
                                    

"Stacyyy!!"

Argh, I know this is Athena. Sa lakas ba naman ng boses niya alam ko na siya agad 'to.

"You're too loud, Athena."

She laugh and then hugged me. Ewan ko ba sa babae na 'to, ang sigla sigla sa umaga samantalang ako ay tinatamad dahil kulang sa tulog.

"I can't believe that you're already an adult, my Stacy." sabi niya tapos pumunas ng pekeng luha sa kanyang mata.

Parang hindi siya adult eh, mas matanda pa nga 'to sa akin. She is nineteen, a year older than me but she acts like she's younger than me. 

"Parang 'di ka nineteen." pagsusungit ko sa kanya

Namaktol naman siya dahil ayaw niyang nababanggit ang kanyang taon. Para raw siyang matanda kapag ganon.

Binaybay namin ang hall patungo sa room namin. Marami ang mga estudyante na nagmamadali ang iba pa nga ay tumatakbo. Malapit na rin kasing mag ring ang bell kaya naman parang EDSA na dito sa hallway.

Habang naglalakad ay nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na lalaki. Papalapit ito sa aming gawi kasama ang kanyang mga kaibigan. Ayaw ko pa siyang makita dahil nahihiya ako sa ginawa ko. 

Binilisan kong maglakad at hinila na rin si Athena. Hindi tinitignan ang aking nilalakaran at nakayuko lang. Natatakot ako na baka magtama ang aming mga mata.

Sa paglalakad ko ay nabangga ko ang isang lalaki. 

Shit!

Tumingin ako sa kanya at laking gulat ko nang magtama ang aming mga mata. He didn't looked surprise to see me. Siguro alam na niyang magkikita kami.

"Sorry..." nahihiyang sabi ko sa kanya

He smiled, "It's okay, next time you should look up para wala ka nang mabunggo.."

After that he left together with his friends. Umalis na rin ako dahil baka malate pa kami. I don't know what to feel. Mahihiya ba ako o maiirita dahil sa nangyari. Nagtataka rin ako dahil bumibilis ang tibok ng puso ko at namumula ang aking mukha.

Nagtataka rin 'tong kaibigan ko bakit daw ako namumula. 

"Bakit ka ba kasi nagmamadali ha, Stacy?" parang nanay na sermon niya

"Wala, baka malate lang tayo."

She sighed.

I really don't know what to feel. Somehow I felt giddy when I saw him today, but I don't want that kind of feeling. He is younger than me for heaven sake!

I just met him and I get different emotions already. I really hate this feelings, I mean I hate him. He is the reason why I am feeling like this. 

Besides I promise to myself that I should not fall for someone younger than me because I felt like they will be immature enough to handle a  relationship. And yet I am the younger one whenever I am in a relationship. 

Kapag naalala ko siya ay bumabalik yung mga nangyari. Sinabi niya rin na naghalikan daw kami, ayaw kong maniwala sa kanya kaso nang makauwi ako sa bahay ay parang kidlat na bumalik ang lahat ng nangyari nung gabi na iyon.

Paguwi ko rin nang umaga na iyon ay kinamusta agad ako nang aking mga magulang. Bakit daw hindi ko sila tinawagan nung matapos na ang party. Nalaman din nila na nawala ako kagabi dahil tumawag si Athena sa kanila at sinabi na nawala daw ako bigla. Hindi tuloy sila nakapagpahinga dahil sa pagaalala.

Our first class started and I am already sleepy. I tried my best to keep myself up para lang sa subject ko na ito. Ayaw kong magkaroon ng bagsak sa aking grado dahil gusto kong makapasok sa isang magandang unibersidad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Caught Up In CirclesWhere stories live. Discover now