Chapter 7

13 0 0
                                    

Candice POV

Nagising ako dahil sa sinag nang araw maaga pa pero sguro nagiikot na ung mga janitors para buksan tong room. Nakita ko naman si Alex sa tabi ko na pawis na pawis ang hot naman nya i mean ang hot dito kasi mainit nga dba?

Sana lagi na lang syang tulog para payapa buhay ko. Pakiramdam ko may nagbabawal lumapit sakin e. walang target eto na ata ang pinakamataggal kong walang target.

Ang ganda nung araw na paangat pa lamang. tumama yun sa mukha ni Alex kaya nagising sya agad.

"Ugh inaantok pa ko. boogsh*" hinatak nya ako pahiga ngayon nakayap sya sakin. tulog pa pala to e. Ang lapit nang mukha namin sa isat isa habang ung isang braso nya nakaikot sa bewang ko.

Napangiti na lang ako ng makita ko ang mukha nya ewan ko ba pero ang gaan sa pakiramdam. yung kung mabait lang sana sya magiging magkaibigan-ay lalake nga pala to haha. sasaktan ako nito hays. tinanggal ko na ang pagkayakap nya sakin at tumayo na lang tulog pa naman sya kaya nagpalit ako ng damit.

Bumalik ulit ako sa pwesto ko. Mahihiga na sana ako kaso biglang bumukas ung pinto.

"Ayun. sabi na nga ba may tao. pasensya na ms.Ferrer ah medyo natagalan po kami sa pagbukas kasi po sira ung doorknob."

"Alam ko. kaya nga kami nalock dba? Sasusunod pakitibiyan nang mga doorknob nyo."

"Sge po Ms.Ferrer." palabas na sana si Manong nang pigilab ko sya.

"Wala kang balak buksan ung aircon ha?" Tanong ko sa janitor. agad nya naman kinuha ang remote control at binuksan ung aircon. Tulayan na syang lumabas. sumunod ako sa kanya para puntahan ung isang room na may locker para sa mga club. kumuha ako nang unan dun at kumot. minsan kasi dun kami natutulog sa studio pag biglang may bagyo or ginabi na kami.

Bunalik na ako sa studio at nakitang tulog pa rin sya. dahil may onting bait ako sguro pagpapasalamat na lang din dahil dun sa notes kahit wala akong pake pero naalala ko ung dahilan bat nasira ung doorknob. parang gusto ko ng ibalik ung kumot at unan kaso nakuha ko na.

Inaangat ko ung ulo nya at sinuksok ang unan nilagyan ko na rin sya nang kumot hanggang mukha pa nga eh. aalis na sana ako kaso may naisipab akong gawin. kinuha ko ung lipstick ko eyelinet at powder pinagtripan ko ung mukha nya at ung kinalabasan eh parang syang chinese na bakla. gusto kong tumawa kaso baka magising pag labas ko na lang.

Pagkalabas na pagkalabas ko. "HAHAHAHAHA BUTI NGA! Ano akala mo mabait ako? Well, asa." naglakad na ako papunt GR ayoko nang umuwi katamad may klase na rin ako. papasok na nga ako ano ba kasing problema nang mga babaeng yun.

Pagdating ko sa GR nakita kong nagaaral si Sophie at Mikaela si Sandra lang nanunuod nang tv.

"Hoy! Magkaliwanagan nga tayo. Ano bang espiritu ang sumapi sa inyo at kayo ay nagaaral ha?"

"Shhh ang ingay mo." salita ni Sophie.

"Oo nga. ingay ingay kitang may nagaaral." salita naman ni Mikaela.

"Espiritu nang kalandian na napagaaral sila dahil sa mga walang kwentang balahubas na lalaki." Sabi ni Sandra na nakasimangot.

"Psh. ung mga lalakeng yun. hayaan mo na nang makamove on na si Sophie." may ex kasi yan 3 years na ata tapos ayun nagloloko pala ung bf nya. Kaya ayun deadbols ang relationship.

"Girls labas lang ako ah sakit na ng mata ko kakabasa eh." sambit ni Sophie. hala di kaya galit yun? Magsasalita sana ako kaso nakalabas na sya. usapang ex nga naman oo! Kaya ayoko ng ganyan eh.

"Tsk lagot ka alam mo namang ayaw nya na alalahanin yun e." sabi ni Sandra habang nakatingin sakin.

"Ex nga dba? Malamang ayaw nya nang alalahanin syempre nasaktan sya. Ano sya tangang uuliti ulitin pa yun kahit nasasaktan sya. well except sakin kasi ako pag naalala ko mga ex ko natutuwa ako. dahil nasaktan sila at ako hindi. psh pasok na nga ko kwarto wala pa akong maayos natulog." Kinuha ko na ung gamit ko patayo na sana ako nang biglang magsalita si Mikaela.

The Playgirl's storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon