Chapter 10

7 0 0
                                    

Candice POV

Nagising ako dahil sa narinig kong nagaaway.

"Ugh ano ba yan ang ingay ingay nyo may natutulog oh." salita habang kinukusot pa ung mata ko.

"Sya kasi." turo ni Mark kay Alex.

"Bat ka nandito?" tanong ko kay Alex. Bat sya nandito eh diba bwiset na bwiset nga sya sakin.

"Masama bang dalawin ka?"

"Masama talaga kung ikaw dadalaw."

"Ang sama neto." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.

"Ako pang masama? Eh sino ba tong hindi marunong tumulong sa taong nababasa na nang ulan. Tapos nandito ka para ano para bwisitin ako e nakita mo na ngang may sakit ako."

"Hmm. tama ka andito ako para bwisitin ka. eh bat ka kasi sumugod sa ulan? Kasalanan ko pa? Sa ayaw kitang tulungan."

"Umalis kana masama pakiramdam ko." sabi ko at nagtalukbong n nang kumot.

"Narinig mo yun? Umalis kana daw. kaya babaye" boses ni Mark ung narinig kong nagsasalita.

"Psh. oh ayan ipakain mo dyan sa mataray mong pasyente." Narinig kong nagsara na ang pintuan kaya tinanggal ko na ang nakataklob na kumot sakin.

"Oh ikaw? Umalis ka na din."

"Ayoko. kung gusto ko edi sana kanina pa ako umalis at kung gusto ko edi sana di na ako pumunta dito. kumain kana nga lang." inihanda nya na ung pagkain ko nasan na ba kasi yung mga babaeng yun? Antagal naman nila sinabi ko bumalik sila pero hanggang ngayon wala pa din.

"Ako na kaya ko kumain." sambit ko nung papakainin nya na ako.

"Ako na. Nanghihina kapa oh. Kaya ako na lang wag ka nang makulit Candice naman please pag magaling kana dun kana magalit sakin." mukhang nagaalala talaga sya. "whatever." Sinunod ko na lang ung mga sinasabi nya. nang matapos na ako kumain may inabot naman sya saking gamot. kung hindi lang kali Mikaela tong hospital for sure pinauwi na ako lagnat lang naman kase.

"Magpahinga kana." humiga na ako at binuksan lang ang TV. Sya naman nahiga sa sofa na malapit sa window.

Maya maya lang tulog na sya. Mukhang binantayan nya ako kanina. Bat ba kase nandito pa yan eh. Nakakaasar talaga mga lalake gusto nila lagi silang masusunod tapos gusto nila lagi nilang inuunder ung mga babae. nakakairita lang. tapos eto namang isang to alam na ayaw ko sa lalake nagpapakabait ano ba talagang gusto nyang mangyare? Magkagusto ako sa kanya ganon? Tss. asa pa sya. baka mamuti na lang ung mata at buhok nya di pa rin ako nahuhulog sa kanya.

"Wag mo kong tignan baka matunaw ako." di ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya. gising pa pala sya tutulog tulugan lang.

"Di kasi ikaw tinitignan ko ung window ang ganda kaya nung view." tumawa naman sya may nakakatawa ba don?

"Ano nakakatawa?"

"Ikaw, kunyare kapa kasi. ayos lang naman sakin." Aba at nangasar pa sya.

"Ugh umalis kana nga." Tumawa ulit sya pero di na nagsalita nasan na ba kasi yung mga babaeng yun? Kinuha ko ung phone ko at tinawagan si Sandra

"Nasan na kayo?" Tanong ko pag kasagot ni Sandra.

"Walang hello hello? Tss papunta na ay oh andito na pala kami sa hospital. miss mo agad kami? Eto naman wag kang masyadong clingy." lahat na lang ba sila mangaasar? Kita hindi maayos ung kalagayan nang tao nangaasar pa.

"ewan ko sayo bilisan nyo nga tagal tagal." binaba ko na ung call.

"Papunta na sila?" Tanong ni Mark na nakaupo na. mukhang di naman sya natulog.

The Playgirl's storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon