Chapter 12

7 0 0
                                    

Sandra POV

"sandra salo!" Sigaw nung ka team ko nag prapractice kasi ako nang soccer ngayon. Nasalo ko naman ung bola. "Okay break!" Sigaw nung coach namin.

"You. Delos Reyes come here."

"Yes coach?"

"Ililipat kita sa Badminton team."

"Po? Eh coach soccer ang game ko ngayon ah." mahilig kasi ako sa sports dba? At nag eexcel ako sa lahat kaya pag may kailangan sa isang team or sport kinukuha nila ako. Minsan nga naiinis na rin ako eh. Syempre one week before the game bigla akong ipapasok so onting araw lang ako nakakapagpractice.

"Alam ko pero may bagong pasok sa badminton at i need you to train him."

"Him?! Coach ayoko."

"You will accept it or hindi ka makakapag laro for the whole month." Hala! Nakakainis to! Laging may kondisyon kaya never pa syang pumayag pag humindi ako. Kung hindi tungkol sa sports tungkol naman sa pag pho-photography ko.

"Tss. Makakahindi paba ko." umalis na ako at kinuha ung bag ko. Since Grade 5 kasali na ako sa varsity sa school na to ako na rin ung kinukuha pag may activities para sa photographer.

"Tomorrow 10Am sharp! Gym!" Narinig kong sigaw nung coach ko.

Bahala nga sya dumiretso ako sa Mcdo para kumain. nakapila na ako ng biglang may sumingit.

"Hoy lalake! Ako kay nauna matuto ka namang pumila!" Sigaw ko kaya napalingon sya sakin.

"So? I dont care, Sandra right?" Aba! Eto ung nakakairitang lalaki nun ah Joshua ata pangalan.

"Te-teka ikaw yung kupal na lalaki sa cafe nuon. Oo ikaw nga yun."

"What te-teka?!"

"Ewan ko sayo. Tumabi ka dyan." hinatak ko ung buhok nya kaya napunta sya sa likod ko at ako naman sa harap nya.

"Teka nga ah-aw aray ano ba masakit!" Sigaw nya. pero ako tong parang walang naririnig. Maya maya nakita ko nandun na sya sa pinakadulo ng pila. buti nga yan napapala mo singit ka ng singit kaya mukha kang singit. uy rhyme un ah woah!

Andito na ako kumakain malapit sa may salamin. "Teka ohh." nasabi ko na lang nung makita ko si Mark na sinusundan si Candice. Sguro may practice sila ngayon. Imba talaga ung lalaking yun ang lakas ng tama kay Candice eh. akalain mo yun di parin sya humihinto eh ang labo kayang magkagusto sa kanya yung babaeng yun. goodluck na lang sa kanya baka mamuti na ung mata nya wala pa din.

Candice POV

Break namin sa practice kaya lumabas muna ako ng Academy nag cracrave ako sa BonChon eh wala naman nun sa school kaya lalabas pa ko. Psh. feeling ko kanina pa may sumusunod sakin eh. kinabahan tuloy ako kaya binilisan ko na ang lakad ko. Nang makarating na ko sa pupuntahan ko nakahinga na ako ng maluwag.

Nakaorder na ako at ngayon paakyat na ako sa overpass medyo magulo dito kaya nakakatakot.

Malapit na ako nung..

May lalaking biglang hinablot ung bag ko at tumakbo. Di ko alam ano gagawin ko nanginginig ako sa takot.

"HO-HOY BAG KO!" Hinabol ko ung lalaki sobrang bilis nga eh. "AKIN NA YAN-ARAY." May biglabg bumungo sakin na lalaki nakahood. kapareho nung lalaking nakita ko sa restaurant. sya din kaya yun? Sinundan ko ung lalaki pati na rin ung magnanakaw.

Naabutan ko ung magnanakaw na binubugbog nung lalaki, na kahood pa din. binato sakin nung lalaki ung bag ko. di na ako mapakali kasi dalawang beses ko na sya nakikita kaya hinatak ko ung hood nya tatakbo na rin sana sya pero hinawakan ko ung braso nya at hinatak yun dahilan para mapaharap sya sakin.

The Playgirl's storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon